^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maruming Manila Bay malapit nang linisin!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maruming Manila Bay  malapit nang linisin!

MAGANDANG pasalubong sa 2019 ang sinabi ng Malacañang kamakalawa na lilinisin na ang maruming Manila Bay. Pagkaraan nang maraming taon na hindi kumilos ang mga Presidente mula kay Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Noynoy Aquino, ngayon ay matitikman na ng Manila Bay ang tunay na paglilinis na malayo sa ginagawa ng dating presidente na tinatapunan ng mga basura ang dagat at saka isa-isang pupulutin habang gumigiling ang kamera ng media.  

Hindi na ganito ang mangyayari sapagkat tutu­tukan ng media mula sa buong mundo ang pag­lilinis. Gustong simulan na ito sa lalong mada­ling panahon at nang eksakto sa pagbaba ni President Duterte sa 2022. Gusto niyang malinis na malinis ang Manila Bay na mas malinis pa sa Boracay na isinara niya sa loob ng anim na buwan dahil sa sobrang dumi na kagagawan ng mga walang disiplinang resort owner, restaurant at mga turista na walang pakialam kung magtapon ng kanilang basura at dumi.

Sabi ni Duterte ang Boracay ay “cesspool”. Ang kahulugan ng “cesspool” ay poso-negro. Imadyinin kung gaano kaitim at karumi ang tubig sa poso-negro. Ganyan ang tubig na pinag­lulunuyan ng mga turista sa Boracay noong hindi pa ipinasasara. Makaraang buksan, pagkaraan ng anim na buwan, malinis na malinis ang Boracay.

Sabi ng Malacañang, gagastos ng P47 bilyon sa paglilinis ng Manila Bay. Pero balewala ang bilyones na ito sapagkat ang pondo ay kukunin sa “Road User’s Tax’’. Sabi ni Duterte bubu­wagin na ang Road Board sapagkat hindi nagagamit nang tama ang pondo. Winawaldas umano ng mga miyembro ng Road Board ang pera.

Sana mabuwag na ang Road Board para ma­pigilan ang pagnanakaw sa pondong galing sa Road User’s Tax. Kapag nabuwag, kasuhan ang mga dupang sa yaman.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with