^

PSN Opinyon

Gabriela sa gobierno

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BINIGYAN natin ng espasyo ang Gabriela para sa malayang pamamahayag na iparating nila sa gobierno at madlang people ang diumano’y panggigipit at pananakot sa mga miembro ng ACT.

Bibigyan din natin ng kahalintulad na espasyo ang gobierno para sagutin nila ito.

BINANATAN ng GABRIELA ang ginagawang paniniktik ng PNP intel sa mga gurong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers, isa itong porma ng panunupil ng estado sa mga pampulitikang karapatan ng ating mga guro.

Binatikos ng GABRIELA ang pag-amin ng Malakanyang na ang paniniktik na ginagawa ng PNP ay dahil diumano sa koneksyon ng ACT sa “kaliwa.”

Ayon sa Gabriela, hindi lamang ito simpleng pagkuha ng impormasyon o sa diumano’y koneksyon ng ACT sa mga “kaliwa” kundi, tinitingnan din natin ang posibleng layunin na nais nilang maghasik ng takot sa ating mga kaguruan upang mapasunod sila sa lahat ng ipag-uutos ng rehimen sa darating na eleksyon na inaasahan na nating matatadtad ng dayaan at hokus-pokus.

Mabaho na ang pangalan ni Duterte at ang mga kandidato niya sa mamamayan, kung kaya’t maaaring nagkukumahog sila ngayong panahon bago ang eleksyon na gawin ang lahat ng paraan upang maipanalo ang kanilang mga manok. ‘Katangian na kasi ng mga hayok sa kapangyarihan ang pagnanais nilang gawing monopolyo ang kapangyarihang pampulitika upang mas madulas nilang maipatupad ang kanilang mga anti-mamamayang polisiya at mas makapagnakaw ng malaki sa kaban ng bayan,” pahayag ni Obeth Montes, Deputy Secretary General ng GABRIELA.

Ang mga guro mula sa mga pampublikong paaralan ang pangunahing humaharap tuwing eleksyon. Sila rin ang isa sa mga pangunahing target ng mga pulitiko na gipitin at takutin upang maisakatuparan ang mga dayaan. 

Nagiging pangunahing biktima rin ang mga guro ng mga election-related violence dahil sila ang madalas na pinagbubuntunan ng galit ng mga pulitiko.

“Kung kaya’t hindi lamang dahil sa miyembro sila ng ACT, kundi maaaring bahagi ng maruming taktika ng mga nasa estado poder na takutin ang mga guro upang makapandaya sa eleksyon. Ganito ang pagbabayad ng rehimeng Duterte sa mga guro, ang takutin at supilin ang kanilang pampulitikang karapatan; imbes na taasan ang sweldo, dagdagan ang mga benepisyo, at tanggalin ang mga extra-curricular na trabaho sa mga guro nang wala silang karampatang bayad. Kasuklam-suklam ang nagaganap ngayon sa ating bansa,” pagtatapos ni Montes.

vuukle comment

GABRIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with