^

PSN Opinyon

Dito magalit

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay Presidential Spokesperson Salvador Pa­nelo, ang pahayag ni Pangulong Duterte na ang paniniwala ng mga Kristiyano sa Holy Trinity ay kalokohan ay “sha­king­ long held religious tenets and beliefs that instead of molding them into being righteous individuals make them cling to religion as an opium.”

 

Sa madaling salita, hindi nga naniniwala si Duterte sa Banal na Trinidad dahil kalokohan nga daw, at nagdadag­dag lang sa tila epekto ng iligal na droga ang relihiyon, imbes na tunay na pananampalataya.

Kung ganun ang gustong sabihin ni Duterte, tirahin na rin niya ang lahat ng may kinalaman sa pagiging Kristiyano, pati mga ibang relihiyon dahil mukhang siya lang ang may sagot sa lahat ng problema sa buong mundo.

Kung ganun ang kanyang pangangatwiran, masama bang pintasan ang kampanya kontra iligal na droga, dahil gusto lang halughugin ang paniniwala na ang pumatay ng mga adik ay sagot sa problema ng iligal na droga?

Ang paliwanag ni Panelo ay puwedeng gamitin sa lahat ng bagay – paniniwala sa Diyos, paniniwala kay HesuKristo, paniniwala sa Mahal na Birhen, paniniwala sa mga Santo, paniniwala sa mga ibang relihiyon. Kung sabihin ni Duterte na kalokohan ang maniwala kay ganyan o ganun ng ibang relihiyon, iyan din ang paliwanag ng Palasyo?  

Mainit talaga si Duterte sa mga Kristiyano. Hindi lang ang simbahan ang tinitira ngayon, kundi mga turo at paniniwala na ilang libong taon nang nandyan. Masama nga siguro ang ginawa sa kanya ng Simbahan para magalit siya ng ganyan. Sana itong Bagong Taon, imbes na puntiryahin ang Simbahan, mga ibang problema ng bansa na walang kinalaman sa iligal na droga ang harapin.

Magalit siya sa mataas na presyo ng kuryente, isa sa pinaka mataas sa Asya. Magalit siya sa nagaganap na korapsiyon sa ilalim mismo ng kanyang administrasyon. Magalit siya sa mataas na presyo ng bilihin, kung saan may kapangyarihan siya dahil karamihan ay dahil sa TRAIN. Magalit siya sa kahirapan, kung saan milyon-milyong Pilipino pa rin ang naghihirap. Magalit siya sa mga tiwaling pulis, na patuloy na sumisira sa imahe ng PNP. Magalit siya sa mga terorista, partikular sa Mindanao. Magalit siya sa lahat ng bagay na nagbibigay hirap sa Pilipino.

Manigong Bagong Taon sa lahat!

vuukle comment

SALVADOR PA­NELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with