^

PSN Opinyon

Problema at modus ng agaw-lupa, kumplikado!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

IWAS ang BITAG sa mga sensitibong reklamo, lalo na kung may kinalaman sa lupa. Sa tagal na namin sa lara­ngan ng investigative journalism at public service, na-encounter na siguro ng aming grupo halos lahat ng modus sa lupa. 

Alam namin kung gaano kagulo at kakumplikado ang estilo ng mga sindikato ng lupa. Ito ‘yung tinatawag na­ming mga professional squatters.  

Kamakailan lang, may nagreklamo sa amin patungkol sa pinag-aawayang lupa. Humingi ng tulong dahil mayroong umeepal sa kanilang asosasyon. Nagpakila­lang may-ari at balak silang palayasin sa lugar. 

Layunin nitong inirereklamo na manggulo sa lugar hang­gang tuluyang mawala ang mga umuukupa sa lupa. Magulo ang estilong ito. Basta usapang lupa… asahan n’yo ang away, gulo at giyera. Dadanak ang dugo para lang sa lupa.  

Naamoy agad namin ang modus ng magkabilang grupo. Aminado ang nagrereklamo na hindi sa kanila ang lupa. Ito namang umaangkin, walang maipakitang katibayan na siya ang may-ari. 

Scam itong pinasok nila at pareho silang ilegal. Ang kanilang siste, tumitingin sa mga lupaing napapabayaan o inabandona na. Sa kasong ito, namatay na ang may-ari. 

Nakita nilang nakatiwangwang ang lupa kaya ni-re­search ang estado ng lupa kung nakapagbabayad ng amilyar o hindi. Kung hindi, buenas ang grupo. Irere­histro sa gobyerno at sila ang mag-aasikaso ng amilyar. 

Easy pabahay… walang kahirap-hirap. Lumalabas nga­yon na sila na ang bagong may-ari ng nakaw na pro­perty. Occupy and repeat. 

Tandang-tanda pa namin ang kawawang OFW na nabiktima ng ganitong estilo. Pinundar na bahay na may halagang P4 milyon, sa iba napunta. Luhaang pumunta at nagreklamo sa aming tanggapan. 

Sindikato ng agaw lupa rin ang may pakana. Napag-aralan at na-profile nang husto ang target. 

Hindi namin tinulungan ang nagrereklamo dahil siya’y mali. Bagkus pinagsabihan namin na magtigil sa kanilang mga aktibidades. Dahil kung hindi… panalangin nilang di magkrus ang aming landas at may magreklamo sa kanila. 

Hindi ako abogado, hindi rin ako eksperto at talagang aaminin ko na ang mga sumbong na may kinalaman sa lupa ay laging kumplikado.

Ayokong magmagaling dahil usapang legal talaga ito. Ang tanging magagawa namin sa BITAG at KILOS PRONTO, imulat kayo sa katotohanan. 

Tanggapin niyo man o hindi ang aming payo, sigurado naman akong may matututunan kayong aral at impormasyon na makakatulong sa inyong pagdedesisyon.

Mga boss, kung kayo’y mag reklamo, ‘wag mahiyang tumakbo sa totoong sumbungan ng bayan. Bukas ang aming tanggapan at social media sites para sa inyong mga reklamo.  

vuukle comment

LUPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with