^

PSN Opinyon

Kahalagahan ng goals at pagpaplano

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG Bagong Taon, ano ang mga gusto mong ma-achieve? Payo ni BITAG, para maging maganda ang iyong 2019 at mga susunod na taon, pagplanuhan kung anong dapat pagtutuunan ng pansin.

Mayroon kang to-do list na dapat matapos sa loob ng isang taon. Otherwise you will just be a drifter. Isang kahoy na sunod sa agos, walang alam kung saan patungo.  

Take note, mayroong timeline. Sinasabi ko ito palagi sa aking mga tao. Kapag may time line, there’s pressure to motive and inspire you. Kung walang takdang oras na kung saan dapat mong ma-achieve, walang saysay ang iyong plano.

Lolokohin mo lang ang sarili mo. I call a goal without a timeline a “dream.” Mangangarap ka lang nang manga­ngarap.

Hindi ka magtatagumpay kung wala kang goals at plano sa buhay. Kung gusto mong bumili ng sasak­yan ngayong taon, work on it. Isipin mo na ahead of time kung anong dapat mong gawin to achieve that goal. What will you do to afford and maintain a car?

Divide that goal into smaller task. For example, this month I will do this; for next month I will do this and so on hanggang sa makamit mo na ang gusto mong mangyari.

Kapag wala kang ganito, magiging pangarap na lang talaga ang dream car mo o kung ano man ang gusto mong ma-accomplish.

Pareho sa mga kompanya. Companies prepare years ahead. Ang success ng mga kompanya ay resulta ng pagpaplanong matagal nang ginawa. May plano sila sa kanilang future.

Start by writing down the things you want to accomplish. Isulat n’yo sa papel at laging balik-balikan para ma-check kung nagagawa n’yo ba o hindi.

Kung wala kang malinaw na balak, you end up doing so many unrelated things. Wala kang guide. 

Kung carefree at come what may ang paraan mo ng pamumuhay, masasayang lang ang mga araw mo. Days will turn to weeks and weeks will turn to months. Magugulat ka na lang, isang taon na ang lumipas tapos wala kang nagawa.

vuukle comment

PAGPAPLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with