^

PSN Opinyon

Tulungan ang PNP na masugpo ang droga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HANGGANG kailan ang paglaganap ng droga sa bansa? Ito ang palaging sinasambit ng mga kababayan natin sa bawat umpukan, kasi sa ngayon mahigit na sa 12,000 katao ang namamatay kabilang na rito ang may 54 na kabataan  mula ng paigtingin ni President Rodrigo Duterte ang pakikipagdigma sa droga ng umupo ito noong June 30, 2016. Madalas ang patayan kaya inakusahan si Duterte sa International Criminal Court ng extrajudicial executions.

Ngunit sa kabila ba nito ay tumigil ang ilan nating kababayan sa pagtutulak o paggamit ng droga? Hindi. Lalo pang tumataas ang bilang ng mga guma­gamit at nagtutulak dahil hanggang sa ngayon ay di pa natutumbok ang tunay na mga salarin o sindikato sa droga. Wala pang nahuhuling malaking isda o lider ng sindikato kaya patuloy ang paglaganap ng droga.

Halos hindi na natutulog sina Philippine National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office regional director Dir. Guillermo Elea­zar para masugpo ang droga. Ngunit matitigas ang ulo ng ilan nating mga kababayan sa pagtangkilik ng droga. Iba’t ibang estilo ang ginagawa upang makasinghot ng droga kaya mahirap matumbok ng mga pulis ang mga ito. Subalit oras naman na matumbok, nauuwi ito sa malagim na trahedya.

Kadalasan bangkay ng nailalabas ito sa mga lungga, siyempre ang tatangis ay yung mga kamag-anakan nila at magsusumigaw ng hustisya. Ayon sa mga opisyal ng pulisya, ayaw nila na maging madugo ang pananalakay sa pushers at users subalit di maiwasan na dumanak ang dugo dahil sa ngayon mga armado na ang mga ito at nalalagay na sa panganib ang buhay ng mga kapulisan na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin na masupil ang paglaganap ng droga.

Kaya may panawagan ang mga matataas na opisyales ng PNP sa sambayanan. Tulungan sila na matumbok ang big time drug trafficker sa bansa nang matuldukan na ang paglaganap ng droga.

Kasi nga kung hindi tutulong ang sambayanan, tiyak na wala sila magagawa kundi ang mga pipitsuging adik lamang ang kanilang mabibingwit. Katulad ng pagsakote ni Northern Police District chief CSupt. Rolando Anduyan sa Korean drugs syndicate na kung saan daan-daang kilo ng shabu ang nadiskubre.

Ang Quezon City halos walang puknat ang pananalakay ng mga tauhan ni CSupt. Equivel sa mga lungga ng pushers/users at ilang sa mga operasyon nito ay nagkakaroon ng engkuwentro na nauuwi sa pagkamatay ng mga durugista. Kaya kailangan nang kumilos rito ang sambayan, tulungan natin ang kapulisan sa pagtumbok sa mga traffickers ng matigil na ang pagkalat ng droga at patayan.

Kung babasehan ang takbo ng PNP, halos hindi na mabilang ang mga pulis na tinanggal at ipinatapon sa puwesto matapos na masangkot sa pagpalaganap ng droga bilang bahagi ng internal cleansing na isinasagawa nina Albayalde at Eleazar. Ngayong  2019, makipagtungan tayo sa PNP upang malinis na ang droga na sumisira sa lipunan.

* * *

Matindi ang apog ng isang kagawad ng Barangay 269, Zone 25, district-3, Binondo, Manila.  Sa halip na kaayusan ng kanyang barangay ang dapat na asikasuhin ay pamemera ang inaatupag.

Pinupuwersa umano ni Kagawad  Melvin Rabanan ang sidewalk vendors na nakapuwesto sa Tabora/M. de Santos Streets na magbigay sa kanya ng tumatagingting na P20,000 bawat puwesto upang wala na umanong hulihan.

Ayon sa sumbong, kailangan umano ni Mayor Joseph Estrada ang datung upang magamit sa pangangampanya sa 2019. Ngunit mukhang salto ito dahil mismong sa Manila City Hall nagbibigay ang dating may puwesto sa naturang lugar na nagkakahalaga lamang ng P4,500 kada puwesto. Aba, Usec. Martin Diño pakihambalos si Rabanan ng matuto sa kanyang sinumpaang tungkulin. Abangan!

Happy New Year mga suki!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with