^

PSN Opinyon

Reklamo naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG buwan matapos magbukas muli sa publiko ang Boracay Island, dumadaing naman ang ilan sa ilang problemang lumutang sa paraisong isla. May ilang turista na nagreklamo na masyadong mataas maningil umano ang mga pampublikong sasakyan. Siguro dahil anim na buwang sarado, ngayon naman ay bumabawi ang mga iyan sa mga turista. May mga nagrereklamo rin sa mga “cruise ships” na dumadating sa isla, magba­baba ng mga pasahero na ang dala lang daw ay kalat at basura bukod sa kasikipan, tapos aalis na lang. Saan kaya galing ang mga cruise ships na iyan? Kulang din daw ang ilaw sa dalampasigan. Dahil nga siguro bawal na ang mga party-party, wala na masyadong tao sa gabi kaya madilim na. Kaligtasan naman daw ang isyu dahil nga madilim. 

May mga nagrereklamo rin na mga lokal na residente, dahil mas sinisilbihan daw ang mga turistang malaki magbayad kaysa sa kanila. Mahirap daw silang makasakay. Pero hindi ba turista nga ang gusto ng Boracay, lalo na’t limitado ang pinapapasok sa isla, kung talagang nababantayan ang bilang na iyan? Kapag nagbababa ng mga pasahero ang mga cruise ships, kasama na rin ba sa bilang? At bakit nga ba hindi nababantayan ang pagsingil sa mga pasahero? Hindi dapat iba ang singil sa turista at sa lokal na residente, kundi diskriminasyon na iyan. Ito ang ilan lamang sa problemang hinaharap ng pagbukas ng Boracay. Malinis na nga, pero may ilang problema na kailangang matukoy ng ahensiyang nagbabantay na ng Boracay. Alam ko nagtatag ng ahensiya para matukoy ang lahat ng kailangan.

Dalawang buwan pa lang bukas ang Boracay, kaya sigurado ay maglalabasan pa ang lahat nang problema bago masolusyunan. Kailangang magtiis pa muli ang mga lokal na residente hanggang maayos na nga lahat ng sistema. Sana matukoy rin ng ahensiyang nakatakdang bantayan ang Boracay, at hindi na lang iwanan dahil nagbukas na matapos ang anim na buwang rehabilitasyon. Kailangan nga nila makita kung talagang naayos ang mga problema, dahil anim na buwang nagsakripisyo ang mga lokal na residente, na ngayon ay nagrereklamo na nga.

vuukle comment

BORACAY ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with