^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dumarami ang nagkaka-dengue

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dumarami ang nagkaka-dengue

TUMAAS ang bilang ng mga nagkaka-dengue. Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 138,000 ang nagka-dengue nga­yong taon. Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa mga nagka-dengue noong 2017 na umabot sa 114,000. Pinakamarami ang nagka-dengue sa Cen­tral Luzon na sinusundan ng National Capital Region, Region 4-A, Ilocos Region at Western Vi­sayas. Ayon pa sa DOH, 700 na ang naitalang namatay sa dengue.

Isa sa mga probinsiyang tumaas ang kaso ng dengue ay ang Bohol kung saan, naitala ang 1,459 na kaso. Umabot na sa 17 pasyente ang namatay at karamihan sa mga ito ay bata. Nagkaroon ng aral ang mga taga-Bohol kaya nagtulung-tulong sila sa paglilinis ng kanilang kapaligiran. Winasak nila ang pinamumugaran ng mga lamok na Aedes Aegypti na naghahatid ng dengue.

Ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran ang susi para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok na may dengue. Huwag iistak ang mga basyong bote, lata, gulong ng sasakyan, paso ng halaman sapagkat napupuno ito ng tubig sa panahon ng tag-ulan. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka.

Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat pang paigtingin ng DOH. Magpakalat ng impormasyon ukol sa dengue upang maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib na lugar. Ituro sa mga estudyante ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran. Imulat ang mga bata sa kahalagahan ng paglilinis sa loob at labas ng bahay. Kung malinis ang kapaligiran, walang magkakasakit at walang mamamatay. Huwag hayaang dumami ang mga lamok na Aedes Aegypti.

vuukle comment

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with