^

PSN Opinyon

Tulong sa TODA itodo –Bong Go

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGPAPANUKALA si dating Special Assistant to the Pre­sident Christopher Lawrence Go sa pagdaraos ng isang national summit sa pagitan ng gobyerno at ng mga Tricycle Operators and Drivers Association. Ito ay upang alamin kung anong ayuda ang maibibigay sa kanila ng pamahalaan para lalong mapagbuti ang serbisyo sa taumbayan ng mga ito.

Ani Go na hanggang ngayon ay matatawag pa ring alter ego ng Pangulo dahil sa kanilang matagal na panahong relasyon, dapat ibigay sa TODA ang lahat ng tulong upang lalong  maging maayos ang kanilang serbisyo sa komunidad.” Ang panawagan ay ipinaabot ni Go sa Department of Transportation (DOTr) at sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Maganda ito. Mailalahad ng mga nasa industriya ng pagta-tricycle ang kanilang mga panukala at mga suliranin na puwedeng makatulong ang ating pamahalaan. Isa ang sektor ng mga tricycle driver at operator sa mga napag-iiwanan ng tulong at ayuda mula sa pamahalaan. Umaasa si Go na maidaraos ang pambansang summit sa lalong madaling panahon. Kaya nga kapag siya ay dumadalaw sa mga residenteng biktima ng sunog para  magbigay ng ayuda, humahanap si Go ng pagkakataon para makapulong ang mga TODA members.

Hindi lang niya pinaaalalahanan ang mga kasapi ng TODA na umiwas sa masasamang bisyo, kundi pinaki­kinggan maging ang lahat ng kanilang hinaing sa pamahalaan. At ang mga hinaing na ito ng tricycle opera­tors and drivers ay kagyat na dapat mapakinggan ng mga kinauukulan.

Ayon kay Go, dahil sa kawalan ng iisang panuntunan sa tricycle regulation at sa pagbibigay ng permits  o franchises, dumarating tuloy sa sitwasyon na may ilang LGUs na hinihingan ng kung anu-anong singilin at mga requirements ang mga TODA. Nakalilito nga naman ito.

Malaki ang serbisyo ng mga tricycle sa buong bansa kaya nararapat din naman silang tulungan, ani Go. 

vuukle comment

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with