^

PSN Opinyon

Nagpanggap na mga turista pinigilan ng BI-NAIA T3 TCEU, makaalis

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PINIGILAN ng mga tauhan ng Bureau of Immigration Travel Control Enforcement Unit sa NAIA Terminal 3, ang walong pinagdududahang mga Pinoy tourist na pupunta sa Northern Cyprus para sa 45 days holiday.

Ibinida ng mga BI-TCEU people sa NAIA T3, nagtataka sila kung bakit ang kanilang invitation letters na ipinakita ay pare-pareho ang nakalagay kaya nagtaasan ang kilay ng mga nag-iimbestiga.

Sa tindi ng ginawang tanungan blues ng mga autoridad sa airport ay isa-isa na silang umamin na magtatrabaho sila rito at may nag-recruit sa kanila para magpunta sa Cyprus.

Ang mga pasaherong pinigilan ay agad ipinagbigay alam kay Atty. Grifton Medina, BI port operation division chief, na ililipat ng mga TCEU ang mga ito sa pag-iingat ng I-ACT para sa malaliman imbestigasyon upang matunton ang illegal recruiter nila.

Abangan.

PBA Partylist Rep. Nograles duda sa ‘swing’ sa BOC

IBINULGAR ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles ang sistema ng pagpupuslit ng mga smuggled shipments sa Mindanao International Container Terminal Services Inc., dahil bukod sa misdeclaration at lane-switching, may bago raw  na modus operandi ang mga sindikato rito na kung tawagin ay ‘swing operations.’

Ikinuento ni Nograles, ang modus na ‘swing’ operations ay naging posible sa MICT sa kumplikadong Phividec Industrial Estate matapos ang ilang Bureau of Customs officials dito ay nagpasya na ilipat ang mobile x-ray machine sa labas ng itinalagang examination area.

Sabi ni Nograles, mas kaduda-duda ang ginawa ng Customs officials na ilipat sa ibang lugar ang examination area at dalhin ang x-ray machine rito kaya naman mas ginawang madali para sa mga sindikato ang i-swing o ilabas ang kanilang mga epektos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na gumimik ang mga sindikato kasabwat ang mga kausap nila sa bureau na ilipat ang kanilang kontrabando sa piniling lugar nila para raw maprotektahan ito sa patuloy na pagbabanta ng terorismo sa Mindanao.

Naku ha!

Palusot!

Sabi ni Nograles, nagpasiya ang Kongreso na palawigin pa ang batas militar sa Mindanao dahil na rin diumano sa patuloy na problema sa security sa region.

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil daw martial law sa Mindanao, ang MICT at iba pang mga seaports at free ports ay kailangan magkaroon nang mahigpit na security monitoring ng mga incoming at outgoing shipments.

Ayon kay Nograles, ito ay kaduda-dudang desisyon para ilipat ang mga x-ray machines dahil sa palagay niya may mga kababalaghan mangyayari rito.

Nananawagan si Nograles kay BOC Commissioner Jagger Guerrero na pabantayan niyang mabuti sa kanyang mga counter-intelligence ang lugar at mga transaksyon mangyayari sa bureau simula sa araw na ito.

Abangan.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with