^

PSN Opinyon

Pantawid Pamilya dapat palawakin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BAKIT nga ba ang mga magsasaka at mangingisda ay wala sa listahan ng mga barangay sa mga dapat tumanggap ng ayuda mula sa Pantawid Pamilya Prog­ram­ ng pamahalaan? Napapanahon ang panukala ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na ipasakop sa pala­tuntunan ang mga dalawang marginalized sector ng lipunan, ang mga magsasaka at mangingisda.

Ang dalawang sector na ito ay kabilang sa mga matatawag pinakamahirap sa ating lipunan subalit karamihan sa kanila ay hindi saklaw ng programang 4-Ps. Isipin na lamang na ang mga taong ito ay naninirahan sa mga liblib na lugar sa bansa at napakahirap maabot ng mga itinalagang social workers ng pamahalaan, puna ni Gov. Marcos.

“Many of our farmers and fisherfolk are not included in the barangay lists of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) recipients even if they are the poorest of the poor because they reside in far flung communities hardly reached by welfare programs and are rarely visi­ted by government social workers,” Marcos said.

Ang 4Ps ng pambansang gobyerno ay nagbibigay ng conditional cash grant sa mga pinakamahirap upang matugunan ang kanilang panga­nga­ilangang pangkalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga kabataan hanggang 18 taong gulang. Ipinatutupad ito sa mga Latin-American countries at sa Africa at ito’y sad­yang nakatulong ng malaki sa pagsugpo ng kahirapan.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lead government agency na nagpapatupad ng programa at malaki ang nakalaang budget dito na P89 bilyon.

 Mahirap ang buhay ng mga mangingisda at magsasaka lalo na sa panahong may kalamidad. Kung walang ani, walang isdang mahuhuli, magugutom ang mga pa­milyang ito.

Ani Gov. Imee, “We need to give our farmers and fishermen this basic income to end the tragedy that those who produce food and save many from hunger, are themselves unable to buy food or keep their families from being hungry.”

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with