^

PSN Opinyon

Barangay, QC Cityhall at MMDA sa Mabuhay lane sa West Avenue

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG tiba-tiba ang mga kurap na mga burongoy kawatan, ilang taga-Kyusi Cityhall at ilang ‘taradyning potpot’ ng MMDA, na nag-usap-usap para bigyang permiso at ilatag ang isang malaking ‘tent’ sa bangketa ng West Ave., para magbenta lamang ng damit kaya ang madlang people na naglalakad dito ay sa kalsada na dumaraan.

Sabi nga, nanganganib na mabundol o masagasaan ng mga sasakyang dumadaan todits.

Naku ha!

Ano ba ito?

Hinarang kasi ang isang malaking ‘lona’ at ginawang par­king lot ng mga ibinebenta at bulok na sasakyan ang bangketa r’yan sa harapan ng kumpanya ng Lifan cars.

Naku ha!

Sino kaya ang kumita rito?

Sabi nga, imposibleng wala!

Hindi pa rito nagtatapos ang sumbong ng mga reklamador dahil nagbalagbagan sa kalsada ang mga sasakyan kaya naman ang traffic dito ay malala .

Ano ba ito?

Sabi nga, tiyak may kumita sa mga kurap na nagsabwatan para ilatag ang malaking lona.

Nagtataka ang mga reklamador kung bakit pinayagan itong maglagay ng napakalaking lona sa bangketa.

Magkano kaya ang nai-supalpal na salapi na tinanggap ng mga kamote para payagang maglatag at magbenta ng mga damit sa bangketa?

May Mabuhay Lane, signage sa mga poste ang makikita sa lugar pero binabalewala ito ng mga bright.

Siguro dapat busisiin ng mga matitinong opisyal ng ­gobierno ang mga kurap na kumita rito.

Abangan.

vuukle comment

BUTCH M. QUEJADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with