^

PSN Opinyon

Mahilig mag-joke si Digong

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA aking karera bilang mamamahayag, hindi pa kami nagkikita nang personal ni Pres. Digong Duterte. Napapanood ko lang siya sa TV at nababasa sa diyaryo ang kanyang mga talumpati. Isa ako sa mga masugid niyang tagapakinig kaya kahit ako ay litung-lito na kung seryoso ba o hindi ang kanyang mga sinasabi sa publiko. Naniniwala ako na si Digong ay honest at trustworthy dangan nga lamang at masyadong matalim ang kanyang dila kung magsalita. Para sa akin iwas-iwasang haluan ng biro ang kanyang mga talumpati dahil diyan siya nako-corner ng mga kalaban sa pulitika.

Sa ating kasaysayan si Digong lang ang nakita kong walang takot na bumanat sa simbahang Katoliko at mga paring namumuno rito. Paalala lang, alalahanin sana ng ating Presidente na 85% na mamamayan sa ating bansa ay Katoliko. Kunsabagay pati nga ang sinasamba nating Panginoon ay hindi nakaligtas sa mga murang namutawi sa bibig niya. Naalala ko pa nung dumalaw si Pope Francis sa ating bansa, mura rin ang inabot niya kay Digong sapagkat nagkataong nagpunta siya rito sa Manila noon inabot ng buhol-buhol na trapik. Di pa nga nakaaabot si Pope Francis sa Tacloban na noo’y sinalanta ng bagyong Yolanda ay gusto nang pauwiin ng kandidato pa lamang na si Digong.

Mahaba-haba pa ang kanyang bubunuin bilang Presi­dente puwede pang baguhin ang kanyang pananalita. Iwas-iwasan na rin ang pagiging joker dahil ginagawang malaking issue ng mga katunggali sa pulitika. Sana ay hindi biro ang sinabi niyang magiging drug free ang Pilipinas sa 2022 na taliwas sa sinabi niya noon na hindi niya kayang sugpuin ang droga sa kanyang termino.

Ano ba talaga ang totoo kuya? Ang taumbayan ay litung-lito na.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with