^

PSN Opinyon

Serbisyo ‘wag masamang bisyo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA halip na droga, iligal na sugal at iba pang masasamang­ bisyo, may panukala ang tumatakbo sa pagka-Senador na si Bong Go. Magserbisyo ng tapat sa kapwa at sa pamilya.

Sa pagbisita niya  sa Cebu City, labis nagpasalamat ang mga dating drug addict na kanyang nakilala sa ipina­kikitang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte na supilin ang illegal drugs sa bansa.

Inamin kay Kuya Bong ng isang tricycle driver na na­ging durugista pero ngayo’y isa nang bagong nilalang na natauhan siya kaya tumigil sa pagdodroga dahil napatunayan niyang hindi nagbibiro si Pangulong Duterte sa pagnanais na malansag ang pagkalat ng ipinagbabawal na gamot.

Anang  tricycle driver na si Mang Jose, kung hindi sa political will ng Presidente laban sa paglaganap ng illegal drugs sa bansa, malamang hanggang ngayon ay adik pa siya sa droga o kaya’y matagal nang pinaglamayan gaya ng marami na napatay sa mga operasyon ng pulisya.

Si Mang Jose ay bumalik sa pagtatraysikel at nakatutok na sa pag-aaruga ng kanyang pamilya.

Masayang nakipag-meet and greet si Kuya Bong sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Driver’s Asso­ciation (TODA) sa Purok 3, Brgy na kanyang dina­law para alamin ang lagay ng mga pamilyang naging biktima ng sunog.

Habang nakikipaghuntahan, pinayuhan ni Go ang mga traysikel driver na huwag nang pumasok sa masamang bisyo na wala namang maidudulot na maganda sa bawat indibidwal.

Aniya, kaysa magdroga ay gawin na lang nilang bisyo ang magserbisyo sa kanilang komunidad at sa kanilang pami-pamilya.

Kagaya niya, ipinangako ni Kuya Bong na hindi siya titigil na tulungan ang sambayanang Pilipino. 

Ito na aniya ang kanyang tanging bisyo — ang magserbisyo sa bayan, kasama ang Pangulo.

vuukle comment

TRICYCLE OPERATORS AND DRIVER’S ASSO­CIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with