^

PSN Opinyon

First responders

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

BINIGYANG-DIIN ni Pres. Rodrigo Duterte ang kaha­lagahan ng motorcycle riders lalo na sa hanay ng Philippine National Police at iba pang related agencies. 

Dahil nga sa tumitinding traffic lalo na sa urban areas gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao City, kailangan na rin ng mga tinatawag na first responders sa anumang mangyayaring emergency na kailangang tugunan ng mga awtoridad.

Hindi madali para sa mga malalaking sasakyan ng pulis o anumang emergency response centers ang tahakin ang masyado nang masikip na traffic situation na kalimitan ay hindi na umuusad ang mga sasakyan.

Ngunit bilang first responders, kailangan din ng training­ sa safety upping maging maingat sila sa kanilang pagma­maneho.

At mainam naman na nagkakaroon ng Motorcycle Riding Safety Training (MRST) ang PNP upang tugunan­ ang nasabing problema at nang iwas disgrasya na rin para sa ating mga tinatawag na “first responders on motor­bikes”.

Sa ibang bansa, nauuso na rin ang “Ambulance on a Bike” kung saan ang mga medical first responders ay naka-motor para marating agad nila ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong. Kailangang malapatan­ ng first aid ang sinumang madidisgrasya o kung anumang emergency.

Sa mga darating na araw tiyak marami na rin ang medical responders na makikita sa mga daan at iyan ay matatawag na welcome development.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with