^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabilis magpasok ng drugs dahil sa tulong ng mga korap

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mabilis magpasok ng drugs dahil sa tulong ng mga korap

MARAMING corrupt officials sa bansa at sila ang kinakasabwat ng drug syndicates para ma­ipasok ang kanilang kontrabando. Dahil sa pakiki­pagsabwatan, walang kahirap-hirap na naipapasok sa bansa ang iba’t ibang uri ng droga, particular na ang shabu. At ang matindi pa, ang kinakasabwat ng sindikato ay ang mga corrupt sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Kung sino pa ang dapat ay huhuli sa mga salot na drug traf­fickers, sila pa ang tumutulong sa mga ito kapalit nang malaking halaga ng pera. Pera-pera lang talaga ang labanan para mabilis na maipaspk nang walang kahirap-hirap ang shabu. At nangyayari ito habang maigting ang kampanya ng Duterte admi­nistration laban sa droga.

Ang pakikipagkutsaba ng drug syndicate sa mga corrupt sa PDEA at Bureau of Customs ay inihayag mismo ni Sen. Richard Gordon makaraan ang sunud-sunod na hearing sa Senado kaugnay sa bil­yong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifters­ na naipasok sa Manila port at nakalusot naman sa inspection ng Customs. Nailabas ang magnetic lifters­ sa Customs at dinala sa isang warehouse sa GMA, Cavite. Nang matagpuan ng PDEA ang magnetic lifters, wala na itong laman. Nang ipaamoy nila sa aso, positibong may trace ng shabu sapagkat umupo sa tabi ng lifters ang aso.

Sabi ni Gordon, marami sa drug law enforcers ang hindi dedikado sa trabaho at hindi tinutupad ang sinumpaang tungkulin. Karamihan sa law enforcers ay hindi na nag-aaksaya ng panahon para hulihin at mapanagot sa batas ang mga sangkot sa droga. Hindi na sila nag-e-effort pa ukol dito sapagkat kasabwat nga sila. Nakikinabang ang law enforcers sa malaking pera na galing sa sindikato.

Gustong panagutin ni Gordon ang mga law enforcers na sina retired police Senior Supt. Eduardo Acierto at si PDEA Deputy Director Ismael Fajardo. Sangkot din ang dating Customs intelligence officer na si Jimmy Guban sa naipuslit na magnetic lifters, pero sabi ni Gordon, gagawin itong witness.

Laganap ang korapsiyon kahit saan pero pinakamabigat ang pakikipagkutsaba ng mga alagad ng batas sa mga sindikato ng droga. Kapag hindi napahinto ang gawaing ito, kawawa ang bansa at mamamayan sapagkat lalaganap ang droga. Sira ang kinabukasan.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with