^

PSN Opinyon

Inapura pa

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA tindi ng nararamdamang paghihirap ng ating mga kababayan sa umiiral na hindi makatwirang pagtaas ng presyo ng bilihin, talaga namang pinaigting ng ating mga mambabatas ang kanilang deliberasyon. Ang araw ay umaabot sa gabi sa mababang kapulungan kung saan ang mga magigiting na halal ng bayan ay patuloy na nakiki­pag­balitaktakan sa mga panukalang inaantabayanan ng taumbayan.

Itong linggong ito, inasahang mabibigyan na tayo ng mariing tugon sa ating pinagdadaanan – mga batas na may naihahatid na remedyo, ginhawa, solusyon. Ano pa ba ang pinagsasayangan ng oras ng ating mga kinatawan? Ang kaso, ang inuna palang ipasa ng Kamara de Representante ay ang panukala tungkol sa pagbago ng Saligang Batas. Kasama rito ang paboritong panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na subukan ang Fede­ralismo bilang sagot sa mga suliranin ng bansa.

Ewan kung seryoso ang ating mga congressman sa pagpasa, sa ikalawang pagdinig, ng isa na namang Charter­ Change proposal. Sa kabila ng malaking sektor ng lipunan na kontra sa anumang pagbabago ng Konstitusyon sa ngayon (67%) at ganoon ding kalaking bilang na tutol sa Pederalismo (62%), patuloy pa ring isinusulong ng mga mambabatas, sa pangunguna ni mismong Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ang kampanyang ito.

 Lalong mabibigla ang madla sa mga probisyon ng panukalang lehislasyon, kabilang ang mga sumusunod: (1) hindi na bawal ang political dynasty; (2) wala nang term limit o hangganan ang serbisyo ng mga halal ng ba­yan; (3) kailangan may college degree ang nais tumakbong Kongresista, Senador, Bise-Presidente at Presidente; (4) tatanggalin ang Senate President bilang pangulo ng Commission on Appointments at papalitan siya ng Speaker.

 Wala nang oras para pag-usapan pa ang katatawanang ito sa Mataas na Kapulungan. May mga higit na importanteng tatalakayin ang mga senador, kabilang na ang Budget na katatapos lang ipasa ng House.

 Mabuti na rin iyon dahil mapapahiya lang ang ating mga congressman. Walang senador ang papayag sa ganitong mga ilusyon. Kahit pa mas mabilis pa sa alas kuwatro ang naging pagpasa sa panukalang Charter Change, hindi nito mababago ang kapalaran nitong umabot sa basurahan ng Senado.

vuukle comment

INFLATION

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with