^

PSN Opinyon

‘Oplan Isnabero’ sa mga abusadong taxi driver

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MALAPIT na ang Pasko kaya kaliwa’t kanan ang makikita nating sale sa malls. Kabi-kabila rin ang nararanasan nating traffic. Kahit saan ka sumuot ngayong panahong ito, maglaan nang mahabang oras para sa biyahe. Sasabayan pa ‘yan ng mga taxi driver na suplado na kapag sinumpong ay ayaw gamitin ang kanilang mga metro at sasabihin sa mga pasahero na pag-usapan na lang daw ang bayad. Ako mismo nangyayari sa akin yan, ilang beses na akong tinanggihan ng mga taxi driver na ‘yan, nakaligtaan ko nga lang na litratuhan sa aking cell phone ang kanilang mga plate number.

Kaya natuwa ako nang mapanood ko sa TV na nagtatag ng “Oplan Isnabero” ang MMDA at HPG. Napakagandang balita para sa aming mga sumasakay ng taxi dahil kung tutuusin mas dapat nga nila kaming bigyan ng pansin dahil malalakas na kompanya ang kanilang mga kalaban tulad ng GRAB. At hindi rin mangangawit ang mga paa naming mga senior citizen maghintay ng taxing maghahatid sa amin pauwi ng bahay na metro ang gamit. Para sa akin ang mga taxi driver na abusado ay walang pinagkaiba sa mga kawatan, holdaper at snatcher na pare-pareho ang layunin sa buhay ang manggulang sa kapwa.

Tama lamang na lakihan ang multa ng mga mahuhuling isnaberong taxi driver at least magdadalawang isip ang mga ‘yan gumawa ng mga kabulastugan. Porke’t malayo ang destinasyon ng kanilang mga pasahero tinatamad na silang ihatid ang mga ito lalo’t trapik na daan ang kanilang susuungin. Hindi naman yata tama yang mga ganyang gawain ng mga taxi driver na ‘yan. Kung tutuusin nga dapat ay bigyan din nila kami ng discount pati na ang mga PWD pero hindi ko na hinihingi at kung maayos pa ang serbisyo ng aking taxing sinakyan ay nagbibigay pa ako ng extra para dagdag sa kanilang kita.

vuukle comment

METRO MANILA TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with