^

PSN Opinyon

Anak mo, pinagkakatiwala sa ibang tao?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SINO sa inyong mga magulang ang ipagkakatiwala ang inyong mga anak sa di mo naman kakilala at kapamilya? Basta mo na lang ba ipapasama ang inyong mga anak na bata, at dadalhin sa lugar na malayo sa inyo?

Baka ang iba sa inyo nakalilimot at hindi na naaa-lagaang mabuti ang  inyong mga anak na menor de edad. Kuwidaw, dahil kapag di ninyo inalagaan, siguradong may ibang mag-aalaga sa kanila. 

Kung hindi kung sinu-sinong indibidwal at grupo ay gagamitin sila ng mga pulitiko. Sila ‘yung may kanya-kanyang interes, paniniwala at may makakaliwang pulitikang ipinaglalaban.

Mga magulang, ang inyong mga menor de edad na anak ay dapat lumalaking kasama n’yo at hindi ng kung sinu-sino. 

Masahol dito, baka nasilaw kayo sa kulay ng salapi. Ang mga inosenteng mga paslit na anak natin, malayang nagagamit sa iba’t ibang aktibidades a pulitika o krimen. Imbes na naglalaro at nasa silid-aralan, ginagamit ng ins­trumento ng kung sino.

Linawin ko, nirerespeto ko ang iba’t ibang paniniwala.  

Pero kung ang pamamaraan ng isang paniniwala, the methods, ay hindi na tama at labag sa batas, hindi ako sang ayon dito.

Wala sa tama ang ginawa ni dating Congressman Satur Ocampo. Pag ang mga bata binitbit mo nang walang  permiso, masasampahan ka talaga ng kaso. Eh mga magulang mismo ang nagrereklamo. 

Hindi basta-basta binibitbit ang inyong anak ninuman kahit pareho pa ang inyong paniniwala o prinsipyo. Dahil ang mga paslit na iyan, mga inosente pa ‘yan. 

Hindi pa sila makakapagdesisyon sa mga  bagay bagay, lalo na sa larangan ng pulitika. Hindi naman field trip pero kung saan saan dinadala ‘yung mga bata nang walang pahintulot.

Kayo namang mga magulang, dapat kayong tadyakan sa lalamunan kung hinahayaan n’yo lang ang inyong mga anak. 

Dapat lagi niyong kapiling ang mga anak n’yo. Kung maaari, sa lahat ng oras kasama n’yo sila hanggang sa paglaki. 

Bilang magulang, ginagabayan at hinuhubog natin sila. Kasi pag ‘yan ay lumaki na… wala na. Huli na ang lahat dahil may sarili nang pag-iisip ang bata at dagdag pa rito, di malapit sa inyo. 

Hindi pinag-uusapan dito ang kasalatan o economic deprivation. Hindi pinag-uusapan dito kung kayo’y mahirap at hikahos sa buhay. 

Sa inyong kasalatan kayo’y napagsasamantalahan. Kung minsan nadadala na rin kayo. Ibig sabihin,  nasilaw sa pera o nadoktrina sa mga paniniwala at pananaw.

Ang mga magulang ang u ang guro ng ating mga anak. Gawin natin ang ating responsibilidad at gawin natin ito nang tama. Alagaan nang maayos ang inyong mga batang anak.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with