^

PSN Opinyon

Take note, DILG, Ombudsman, Napolcom at CPNP Albayalde

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NABULABOG ang mga kurap na gumagawa ng kababalaghan sa Bureau of Immigration kung mayroon man partikular sa pag-iisyu ng mga special working visa, 9G working visa o temporary visa - visa upon arrival dahil sa ginagawang pangangalkal ng Senado tungkol sa biglaang pagdami ng mga Chinese illegal workers sa Philippines my Philippines.

Pati nga, ang DOLE officials, ay binuburiki rin ng mga Senador para alamin kung may magik na nangyari sa isyuhan ng ‘Alien Employment  Permit.’

Lagot kayo!

Kambiyo issue, nagtataasan na ang mga kilay ng mga reklamador, tungkol sa dalawang active police officials na noon pang July 1, 2016 pumasok sa Bureau of Immigration sa request daw umano ni BI Commissioner Jaime Morente.

Sabi ng mga reklamador, abogadong police raw kasi sina Atty. Jesselito Castro at Atty. Alex Resento bukod sa mga official ito sa Philippine National Police.

‘Wala kayang tiwala si Morente sa mga abogado sa Immigration at kumuha pa sa PNP?’ tanong ng kuwagong mapag-duda.

Ang dalawang police officers ay matataas ang puesto sa SM Aura BI satellite office. Isa ito sa mga satellite office na nagpo-proseso ng mga special immigration visa permit.

Tanong - bakit kaya ayaw nang bumalik sa PNP sina Resento at Castro lalo’t kailangan sila rito dahil mga abogado sila at makakatulong sa mga kaso sa PNP?

Sabi ng mga reklamador, trabahong pulis ba ang function nila sa Immigration kaya sila na promote pa?

Siguro kailangan na nilang bumalik sa PNP at tulungan ang mga kasamahang pulis na halos magpakamatay para labanan ang illegal drugs. Take note, CPNP Oscar Albayalde, Sir!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magkano kaya ang sinasahod ng dalawang police sa Bureau of Immigration at paano ang sahod naman nila sa PNP na itinaas pa ni Boss Digong, tinatanggap pa rin kaya nila ito?

Sabi nga, tanggap dito, tanggap doon kaya ang ginagawa nila? Take note, DILG at NAPOLCOM, Your Honors!

Pakibusisi nga mga taga - fact finding division ng Office of the Ombudsman.

Abangan.

Alak. yosi-kadiri, taas excise taxes!

Aprubado na sa mga kongresista ang taas excise taxes sa tobacco at alcohol products para mas mapondohan ang Universal Health Care program ng gobierno.

Ika nga, ’yung madlang people na sobra na lang ang salapi sa bulsa ang puedeng manabako at uminom ng alak. Hehehe!

Sabi nga, magmamahal na kasi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pito sa mga kongresista ang kontra sa botohan samantala 187 congressmen ang pabor sa taas tobacco excise taxes.

Sa pagtaas naman ng alcohol excise taxes 189 ang pabor pito ang kontra.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ipagbawal na ang paninigarilyo sa Philippines my Philippines, puede itong gawin ni Boss Digong kung gugustuhin niya.

Masama sa katawan ang bisyong ito.

Ika nga, nakakamatay!

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with