^

PSN Opinyon

May kumita dito!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINO kaya sa mga barangay officials at sa taga - Quezon City hall ang nagbigay permiso para kumita at maglatag ng napakalaking ‘tent’ upang magbenta ng damit na inakopahan ang bangketa ng Lifan car dealer sa West Ave, Kyusi, na isa sa ‘Mabuhay Lane.’

Magkano kaya ito?

Dapat itong silipin imbes sa bangketa dumaan ay sa kalsada naglalakad ang mga tao.

Ano ba ito?

Tiyak may blessing ito sa cityhall at barangay, imposibleng wala.

Paging DILG Secretary Ed Ano, Your Honor, pakibusisi nga ito habang wala pang nadidisgrasia!

Abangan. Kongreso ok na sa wiretapping

PINAHIHINTULUTAN na pala ang wiretapping sa mga case problems na kinasangkutsa este mali kinasasangkutan pala ng mga illegal drug trafficking at iba pang mga kaso.

Aprubado na sa Kongreso ang House Bill 8378, na naglalayon pameryendahin este amyendahan pala ang Republic Act 4200, bilang ‘An Act to Prohibit and Penalize Wire Tapping and other related violation of the privacy of communication and for other purposes.’

Sa ilalim ng bill, ang wiretapping ay pinapayagan bilang paglabag sa Republic Act No. 9165, na kilala bilang  “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,’ na sinusugan.

Ang 1987 Constitution ay nagsasaad na ang karapatan ng mamamayan sa privacy ng komunikasyon at korespondensya ay hindi nilalabag maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag kaligtasan o kaayusan ay nangangailangan kung hindi man ayon sa itinakda ng batas.

Sabi nga, ang sinumang tao na sadya o sadyang lumalabag sa pagbabawal o tumutulong, permit, o nagiging sanhi ng naturang paglabag ay dapat, kapag napatunayan, dapat parusahan ng pagkabilanggo ng hindi bababa sa anim na taon ngunit hindi hihigit sa 12 taon at ng multa na P1 milyon, at may accessory penalty of perpetual absolute disqualification mula sa mga pampublikong opisina kung ang may sala ay isang pampublikong opisyal sa panahon ng paggawa ng pagkakasala: sa pasubali, na kung ang taong nakagawa ng paglabag ay isang dayuhan, ang may sala ay sasailalim sa deportasyon, paglilitis pagkatapos ng service of sentence.

vuukle comment

CAR DEALER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with