^

PSN Opinyon

Bawas presyo sa petrolyo apurahin — Bam

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAPAKO ang pangako ni Presidente Duterte na alisin ang excise tax sa produktong petrolyo sa Enero ng darating na taon. Dahil dito, pinamamadali ni Senador Bam Aquino ang pagsasabatas ng Bawas Presyo sa Petrolyo Bill.

Malaki na kasi ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo. Pero sa kabila niyan ay hindi pa rin mapigil ang pagtaas sa presyo ng mga panguna­hing paninda lalo na  nitong papasok na kapaskuhan.

Sa panukala ni Sen Bam, awtomatikong aalisin ang excise tax sa mga petroleum products at iiral ang presyo noong wala pang TRAIN Law kapag ang inflation rate ay mas mas mataas sa 4% target ng gobyerno sa loob ng tatlong buwan.

Totoo na sa tindi ng hirap ng maraming mamamayan ay mas kailangan ni Pangulong Duterte na sertipikahan ang panukalang ito bilang “urgent bill” upang mas mabilis na pagtibayin ng Senado.

Kapag naging batas ang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill, sinabi ni Sen Bam na puwede na itong ipatupad sa January 2019.

Nauna nang inirekomenda ng mga economic ma­na­gers ng Duterte administration ang suspension sa P2 excise tax sa Enero ng susunod na taon subalit binawi ito matapos ang serye ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Sen Bam, hindi na mabibiktima ang ma­mamayan ng mga “pangakong napapako” kung may batas na magiging batayan ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo na sa bandang huli ay magpapababa rin sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

vuukle comment

EXCISE TAX

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with