^

PSN Opinyon

Mapapalaban

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NATAPOS na rin ang kalbaryo ng mga kapamilya at kaibigan nating taunang nakikipagsapalaran sa Bar exams. Sa lahat nang licensure exams sa Pilipinas, ito na ang pinakama­hirap at pinakanakakatakot. Four Sundays at eight separate subject exams ang kabuuan ng pagsubok. Ang Bar exam ang tanging licensure exam na hindi Professional Regulatory Commission (PRC) ang nagpapatupad. Mismong ang Korte Suprema ang nagmamanman sa pagbigay at pag-check nito.

Mahigpit ang Korte Suprema. Sinisiguro na tanging ang mga nakapasa sa kanilang pamantayan ang papayagang makapagpraktis bilang abogado. Kung kaya napakalaking bagay ang makapasa sa Bar Exams, lalo na kung ika’y suwertehing mapabilang sa talaan ng mga topnotcher. Maging ang mga law school ay dinibdib nang husto ang performance ng kanilang mga gradweyt kada taon. Pinapatotoo ng resulta ang kalidad ng mga programa na pinaghihirapang ibigay sa mga estudyante.

Ngayong abogado ang ating Presidente, inakala ng lahat­ na mas magiging maayos ang pamamalakad ng pamahalaan. Wala nga namang gaanong gusot na maaring humantong sa malaking debate ng mga sektor ng lipunan. Pagdating nga sa patakbo ng malalaking proyekto at programa ng gobyerno, mukhang naaayon naman sa batas ang mga ikinikilos ng administrasyon. Walang iskandalo sa pamamahala gaya ng sa MRT contract noong panahon ni P-Noy o yung ZTE-NBN Broadband deal sa ilalim ng administrasyong GMA. Mayroong 11 billion drug smuggling case na pumutok pero iba naman ito – bagay na naaayon sa ating police agencies. Hindi ito katulad ng mismong korapsyon sa matataas na antas ng panunungkulan.

Hindi man inaasahan, ang nagiging problema ng pamahalaan pagdating sa pagsunod sa batas ay sa relasyon nito sa karaniwang tao. Ano ang record nito sa pagrespeto sa mga karapatan ng mamamayan? Gaya ng dama nating lahat sa kampanya kontra droga, katakut-takot na bilang nating­ Pilipino ang nakumpromiso ang mga karapatan.

Ito ang mundo kung saan papalaot ang ating future lawyers. Mapapalaban silang tiyak. Sana ay mapangatawanan nila ang mga batas na pinag-aralan at sinumpaang ipatutupad.

vuukle comment

BAR EXAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with