^

PSN Opinyon

Bam kontra kay Boss Digong

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAS gusto ni Senator Bam Aquino na palakasin ang  National Service Training Program o NSTP,  imbes ibalik ang ROTC sa Grade 11 at Grade 12.

Kontra si Bam sa gusto ni Boss Digong na ibalik ang ROTC sa Philippines my Philippines.

Ayon kay Senador Bam, maganda ang layunin ng NSTP nang ipatupad ito sa ilalim ng Republic Act 9163 noon dahil inoobliga ng gobierno ang college students, mapa- bebot o kelot, bakla o tomboy, may ngipin o bungal na mamili sa Civil Welfare Training Services para sa social services, Literacy Training Services para magturo sa mga out of school youth, at ROTC para sa disaster at emergency responses.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ok din ang ROTC pero may pag-abuso kasing nangyari rito na inangal noon ng mga parents kaya ito winalis sa kolehiyo.

Ayon kay Bam, sa usapin ng kubkuban blues sa Philippines my Philippines na ibang foreign countries na gusto tayong sakupin tiyak ang bawat pinoy ay idedepensa ang PH oras na may manalbahe o giyerahin tayo.

Sabi nga, ratratan kung ratratan.

Sabi nga, alam naman ng madlang pinoy ang pagiging makabayan kaya oras na may manggulo tiyak lalaban ang pinoy at hindi atakbo. Hehehe!

Sa rami ng batas sa Philippines my Philippines hindi na siguro kailangan pang gumawa ng bagong batas dahil ang ang ugali ng madlang pinoy ay nagtutulungan kapag matindi ang calamities.

Sabi ni Bam, totoong magkakaroon ng karanasan humawak ang mga ROTC ng mga boga pero dahil sa maikling panahon ng kanilang training hindi naman sila magiging expert dito.

Ika nga, basic training lang sila!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kailangan palakasin at pag-aralan nang husto ay ang pagpapatupad ng NTSP Law para maging maayos.

Kambiyo issue, ang mga kritiko ng Duterte administrasyon ay nagsasabing paulit-ulit daw na ginagamit ang ‘counter-terrorism’ bilang isang dahilan upang gawing lehitimo ang mapaniil na mga pag-atake laban sa madlang people?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

 Ayon sa mga reklamador, mula sa walang limitasyong deklarasyon ng batas militar sa Mindanao, suspensyon ng pribilehiyo ng writ of habeas corpus, reinstituting mandatory ROTC, pagtaguyod ng police state sa pamamagitan ng isang national ID system, at ang diumano’y mas mabibigat na parusa para sa un-announced rallies.

Kontra rin sila sa pag-aarmas ng mga reservists at mga ROTC graduates para sa pagtulong labanan ang terorismo.

Sa lahat ng reservists at ROTC graduates kailangan ma­ging mapagbantay para sa kalayaan at demokrasya.

Abangan.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with