^

PSN Opinyon

Tamang paggamit ng cell phone

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN, sinabi ng World Health Organization (WHO) na posibleng magdulot ng kanser sa utak ang madalas na paggamit ng cell phone. Ngunit hindi pa ito 100% kumpirmado. Ganunpaman, walang masama kung tayo ay mag-iingat sa paggamit ng cell phone.

Ayon sa isang pag-aaral (Interphone Study), ang ma­ta­galang paggamit ng cell phone ay posibleng makapagdulot ng brain tumor. Mayroong kasing signal o radiofrequency radiation ang cell phones.

Katulad ng mga medical test na MRI o CT Scan, ma­taas ito sa radiation at puwedeng makapagdulot ng kanser. Mas mababa naman ang radiation ng cell phone. Kaya lang, madalas natin itong ginagamit at malapit pa masyado sa ating utak.

Para makapag-ingat tayo, heto ang mga payo ni Dr. David Servan-Schreiber, isang dating director ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh:

(1) Huwag pagamitin ng cell phone ang mga batang edad 12 pababa. Mas sensitibo ang utak ng mga bata kaysa matanda.

(2) Ilagay sa speaker-phone mode ang iyong cell phone o gumamit na lang ng ear phone. Ito’y para mailayo sa katawan natin ang cell phone.

(3) Huwag lumapit sa isang taong gumagamit ng cell phone.

(4) Huwag matulog na kasama ang cell phone. Huwag ilagay sa ilalim ng unan. Huwag din itong palaging dalhin sa bulsa. Kahit naka-standby mode, may radiation pa rin iyan.

(5) Kung kailangan mong dalhin ang cell phone, iharap ang keypad sa iyong katawan. Mas mataas kasi ang radiation sa likod ng phone dahil sa antenna device.

(6) Limitahan sa 3-5 minuto lang ang pag-uusap sa cell phone. Gumamit na lang ng landline. Ang cordless o wireless phone ay may radiation din.

(7) Mag-text na lang, para mas malayo ang cell phone sa utak natin.

(8) Ilipat-lipat ang paggamit sa cell phone. Minsan sa kanang tainga, minsan sa kaliwa.

(9) Huwag mag-cell phone kung mahina ang signal, tulad ng kung kayo ay nasa sasakyan. Ito’y dahil kusang pinapalakas ng cell phone ang radiation niya para hindi mawala ang signal.

(10) Pumili ng cell phone model na mababa ang Specific absorption rate (SAR). I-check ito sa internet. Ito ang sukat ng magnetic field ng cell phone na maa-absorb ng ating katawan. Good luck po!

vuukle comment

CELL PHONE

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with