^

PSN Opinyon

Kasunduan pa lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nagsasabing hindi dapat mabahala sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at China sa paghahanap ng langis at natural gas sa karagatan. Mismong si acting Chief Justice­ Antonio Carpio na nangunguna sa pagtanggol ng karapatan ng bansa sa karagatan ang nagsasabing ang MOU ay kasunduan lamang para sa paghahanap ng solusyon sa ipinaplanong pagsasaliksik ng karagatan. Wala pang detalye kung paano gagawin ito.

Ganun pa man, mabuti na ang alam ng mamamayan ang anumang magiging kasunduan ng dalawang bansa. Sigurado sa China manggagaling ang teknolohiya at kaga­mitan para sa pagsisiyasat. Kaya hindi dapat madehado ang bansa kung sakaling magsimula na ang pagsisi­yasat at paghahanap, pati paghango ng langis at natural gas. Paano ang hatian? Hindi rin dapat magbago ang kata­yuan ng bansa hinggil sa pag-aangkin ng teritoryo. Wala dapat sa usapan iyan. Diyan makikita kung tala­gang kaibigan na nga ang China.   

Walang nang kaduda-duda na China ang gustong maging kasosyo ng administrasyong ito sa paghahanap ng kayamanan ng karagatan. Pero tama si acting Chief Justice Carpio. Kailangang bantayan pa rin ang lahat na magaganap sa pagitan ng China at Pilipinas, ngayong may MOU na. Hindi rin pababayaan ni DFA Sec. Teddy Locsin ang interes ng bansa. Hindi dapat maging kampante na komo kaibigan na ang China ay maniniwala na tayo na hindi tayo maiisahan.

Ayon pa sa mga eksperto, hindi lang naman China at Pilipinas ang umaangkin ng karagatan. Kaya kung anuman ang magiging resulta ng pag-uusap ng dalawang bansa ay siguradong nagbabantay ang ibang bansang umaangkin din ng karagatan. Sa kabila ng mga babalang ibinigay ng ilang sektor, pati na rin ang mga dayuhan na nagbabala na baka mabaon lang ang bansa sa utang sa China. Tila walang takot ang administrasyong ito.

Makikita na lang natin sa mga susunod na araw kung ano ang magiging laman at detalye ng kasunduan. Malinaw na gustung-gusto nang simulan ng China ang paghahanap ng langis at natural gas sa karagatan. Pero dapat malinaw na may karapatan, mas malaki ang karapatan ng Pilipinas.

vuukle comment

ANTONIO CARPIO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with