^

PSN Opinyon

‘Inspeksiyunin n’yo kami anumang oras…” - Shawarma Shack

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HUMARAP nitong Lunes sa aming programang BITAG Live ang may-ari ng inirereklamong Shawarma Shack. Kasama ang kanyang ama’t abogado, pinabulaanan ni Walther Buenavista ang maruming reklamo sa kanyang negosyo.

Bilang sumbungan ng bayan, patas at parehas kami. Pinakikinggan namin ang magkabilang panig at binibigyan ng patas na pagkakataon para magpaliwanag.

Nagbigay kami ng panahon at kortesiya para kon­trahin ng may-ari ang mga paratang on-air. Uploaded na ang inter­view ko sa kanila sa aming official Youtube Channel. 

Hindi raw totoo na marumi at dugyot ang kanilang pagawaan ng shawarma. Malinis at sumusunod daw sila sa lahat ng alituntunin ng gobyerno.

Kasinungalingan din daw na siya’y isang abusado’t pala­murang boss. Kung totoo raw ito, hindi aabot sa 600 ang kanyang tao.

Sa laki ng negosyo, walang matinong may-ari ang papayag na masira lang dahil sa kababuyang ganito. Lalo na’t bigatin ang kanilang pangalan, pati ang mga endorser. Maliban na lang kung talagang barumbado ang mga nasa likod ng negosyo.

Hindi kami anti-business. Hindi namin layunin na makasira ng negosyo bagkus gusto namin mag-succeed ang anumang negosyo.

Pag ang isang bansa ay maraming mga negosyante, aasenso. Magbibigay ito ng maraming trabaho at opor­tunidad sa mga nangangailangan.

’Wag ka lang aabuso. Siguraduhin na karapat-dapat, malinis at hindi nakapipinsala ang inyong negosyo.

Inimbitahan ng may-ari ng Shawarma Shack ang grupo ng BITAG na bisitahin ang kanilang pagawaan. Anumang oras, bukas daw ang kanilang tanggapan.

Di na bago sa amin ang mga ganitong reklamo. Kung anu-anong kadugyutan na ang inilapit sa BITAG. Kadi­ring taho, fish crackers, litsong manok at iba pa.

Idodokumento namin kung malinis nga ba o dugyot ang kanilang shawarma. Wala naman silang angal tungkol dito. All for the sake of transparency.

They will open their factory doors and we will be there, together with the local government, to inspect. Tingnan natin kung sinong nagsasabi ng totoo. Abangan!

vuukle comment

SHAWARMA SHACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with