^

PSN Opinyon

Tusok para sa usok

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAKAUMANG sa mababang kapulungan ang isa na namang sibat na ipupukol at tutusok sa malalang problema ng paninigarilyo sa bansa. May ilang nalilinlang pa sa paliwanag ng mga tobacco companies na ligtas sa kapa­hamakan ang mga bibili at gagamit ng kanilang mga produkto. Hindi pa rin matigil ang benta ng sigarilyo. Kung kaya inihahanda na ng ating mga kongresista ang pinakabagong armas sa kampanya laban sa smoking – ang pagtaas muli ng buwis o excise tax sa sigarilyo.

 Hindi lamang ang pagpababa ng insidente ng paninigarilyo ang pakay ng pagtaas ng singil ng buwis (halos P5 idadagdag kada pakete). Gagamitin din ang kikitain mula sa buwis sa Universal Health Care upang higit na marami sa ating mga kababayan ang mabibiyayaan ng libreng aruga ng pamahalaan.

 Isa lang ang planong pagtaas ng buwis sa mga estra­tehiya laban sa salot ng paninigarilyo. Nariyan din ang smoking ban sa mga pampublikong lugar; ang pagbawal sa pagbenta ng sigarilyo sa menor de edad; ang pagpalabas sa packaging ng graphic warnings ng mga may malalang sakit dahil sa nikotina. Hindi sapat ang iisa. At ang paniwala ng kinauukulan na habang pinatataas ang presyo ng sigarilyo, mababawasan ang bilang ng na-addict dito.

 Sa kabila nito, hindi pa rin natitinag ang oposisyon ng ilang kongresista sa anumang panukalang magda­dagdag pa sa bayarin ng mga tobacco companies. Kung pananalapi ang hanap, bakit daw hindi na lang ituloy ang isa na namang TRAIN law?

 Hindi ko alam kung sila’y nagbubulag-bulagan o kung lingid sa kanilang kaalaman na pagdating sa regulasyon ng bisyo, halos walang limitasyon ang kapangyarihan ng pamahalaan.

 Ang tinatayang porsiyento ng mga smoker na mababawasan sa pagtaas ng excise tax sa sigarilyo ay 5.9% ng buong populasyon. Kung 21.6% ng mga Pilipino ang naninigarilyo sa ngayon, bababa ito sa 15.7%. Mahirap pumikit at magpatay malisya sa ganitong istatistika.

vuukle comment

TOBACCO COMPANIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with