^

PSN Opinyon

Broker na bino-broker pa sa BoC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

YESTERDAY, ibinulong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bagong gimik sa pier partikular sa MICP  lalo’t ngayon mabigat ang monitoring ng gobierno sa mga customs people na mga korap.

Sabi nga, lumiliit ang kita ng mga kurap!

Ayon sa kuento, sa dami ng mga intel networking sa bureau sa ngayon ay hirap at de numero kung maggalawan ang mga gagong customs people dahil natatakot sila pati sa anino nila kasi nga, kapag nasilat ang operasyon tiyak sibak at kulong ang mga animal.

Sana nga!

Kaya nakaisip ng bagong paraan ang mga tirador para kahit papaano ay kumita sila ng salapi at hindi ma-zero.

Ito ang bagong gimik para mapalusutan si newly appointed BOC Commissioner Jagger Guerrero. 

‘One money,’ na lang ang tirahan sa pantalan kaya ang dating padyakan o kikilan na pera ay pinalitan ng istilo matapos ang masinsinang usapan ng mga gago.

Ang ‘tara system’, ay sa assessment division na lang ginagawa o ibinibigay may mga kausap na ito ngayon lalo’t ‘trabaho’ ang paparating na shipment.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, doon sa assessment division naka-imbudo ang pera para sa mga shipments na dumarating sa pantalan para hindi halata na may ‘kalakaran’ nangyayari sa bureau. Take note, Commissioner Guerrero, Sir!

Ika nga, para hindi halatang may kikilan ng salapi sa mga importers/ players at broker.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kawawa dito sa operasyon ng mga korap sa Customs ay iyong mga legal ang shipment para matusok ng mga gago at maglagay sa kanila ang mga ito ay pahihirapan nilang makalabas.

Sabi nga, hahanapan ng butas.

Kaya naman ang may mga legal na shipments ay nananawagan kay Guerrero na tiktikan ang gawain ng mga korap sa Customs.

‘Ang masama kapag tumagal sa bodega ang kargamento dahil pinahihirapan sila ay mayayari sila sa mahal na ibabayad sa demurrage. Hindi birong halaga ito,’ sabi ng kuwagong kinokotongan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pansamantalang tumigil sa pangongotong ang ilang korap na taga-CIIS at Customs Police dahil alam nilang nakatuon sa kanila ang tingin ng mga kasanggang dala ni Jagger.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sana mamonitor itong maigi para magsitigil na ang mga korap sa Pier!

Abangan.

Pinoy vs Chinese workers

KAWAWANG madlang Pinoy, hirap makakuha ng trabaho sa Philippines my Philippines porke ang mga Chinese nationals ang binibigyan prioridad para sila ang makapag-trabaho dito.

Bakit kaya?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtambak ang mga illegal Chinese workers sa Philippines my Philippines iyong mga gustong pasuking trabaho ng madlang Pinoy na hindi tapos sa pag-aaral ay may malaking problema sa ngayon porke ang mga Chinese nationals ang nabibigyan ng prioridad na makakuha ng trabaho.

Sabi nga, unskilled workers.

Bakit kaya?

Patulog-tulog ang gobierno sa pangyayaring ito?

Naku ha!

Totoo kaya?

Sabi sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga  Chinese workers ang nagbibigay ng P50,000 para maging legal workers sa Philippines my Philippines?

Ang mga ahensiya ng mga Chinese nationals ang nag-aabono muna ng salapi at saka na lang inaawas sa kanilang sahod oras na nagka-trabaho sa Philippines my Philippines.

Tiyak naman may mapapasukan sila!

Parang mga langgam ang mga itong makikita na nagkalat ngayon sa Metro-Manila.

Ang iba naman sa kanila ay tahimik na workers sa online gaming pero ang hindi natin alam kung lahat ng mga nagta-trabaho dito sa sugalan ay mga legal workers?

Kawawang Pinoy!

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan.

vuukle comment

JAGGER GUERRERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with