^

PSN Opinyon

Mga sariling lakad ni Bong Go

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

KAPANSIN-PANSIN na may mga sariling lakad na rin si dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go pagkatapos magbitiw sa puwesto noong nakaraang buwan.

At hindi na rin siya masyadong nakikita sa tabi ni President Duterte gaya ng dati na hindi siya nawawala kahit nasaan pa man ang Presidente lalo na sa mga formal at official affairs dito man sa bansa o sa labas.

Hindi na nga sumama si Bong sa Papua New Guinea nitong nagdaang linggo na kung saan dumalo kamakailan lang ang Presidente sa 2018 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) conference.

Ito ay noong lantaran na rin niyang inihayag ang kanyang pagnanais na tumakbo sa pagka-senador noong nag-file siya ng kanyang certificate of candidacy na sinamahan pa nga siya ni President  Duterte sa Commission on Elections (Comelec).

Nakapanayam ko si Bong Go at tinanong ko siya tungkol sa schedule niya  nitong mga huling araw na medyo talagang naging busy na  siya masyado.

Kasi nga sabi niya iba ‘yong nasa likod lang siya ng mga engagements ng Presidente at ngayon ay siya na mismo ang nasa harap at tungkol na sa kanya ang pinag-uusapan.

Dati kasi sinisiguro ni Bong na maayos  at talagang binubusisi niya ang lahat bago darating ang Presidente para sa mga  engagement nito.

Ngunit kung tutuusin ay sanay na rin si Bong Go sa gawaing ito at tiyak malalampasan din niya ang mga pagsubok sa scheduling at iba pang mga bagay.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with