^

PSN Opinyon

Nationwide martial law kathang isip lamang

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

 

PARANG nabunutan ng tinik sa dibdib ang marami sa atin dahil sa sinabi ni Pres. Digong Duterte na hindi nya kailangang ipatupad ang nationwide martial law. At naniniwala ako sa kanya sa pagkakataong ito. Para sa akin, tama lamang na huwag nang gawing nationwide ang martial law dahil iba naman ang sitwasyon nating mga taga-Luzon at Visayas kumpara sa Mindanao. Nasa Mindanao ang mga mababagsik na terorista tulad ng Abu Sayyaf na nakipagsanib ng puwersa sa ISIS at ang mga teroristang NPA kaya mas kailangan nila roon ng kamay na bakal ng presidente dahil pati mga sibilyan ay nadadamay sa kaguluhan.

Pag kasi sinabing martial law takot agad ang mararamdaman ng marami dahil nga sa naranasan na natin ito sa pamumuno ng diktador Ferdinand E. Marcos. Maraming nagdusa noong panahong iyon kasama na ako. Nawalan ako ng trabaho at napilitang lisanin ang bansa dahil kung hindi ko gagawin iyon baka matulad ako sa aking kaibigan sa panulat na nakulong. Mabuti na lang at nagkaroon ng People Power 1 at hinalal si Pres. Cory Aquino na unang babaing Presidente ng Pilipinas at nakamit natin ang demokrasya.

Ngayon sa ilalim ng Duterte administration kilala natin na idolo niya ang mga Marcos at nagkaroon ng agam-agam na baka pati martial law noon ay gawin din niya ngayon. Suportado ko si Pres. Digong sa lahat ng ginagawa niyang paglipol ng criminal, terorista at droga sa bansa. Pero huwag naman sana niyang tularan si Marcos na isailalim tayo sa martial law.

Lahat nang problema ay may solusyon, kahit aminado si Pres. Digong na di kayang tapusin ang problema sa droga sa ilalim ng kanyang termino at least inumpisahan niya at ang mga susunod na leader natin ay tapusin ang kanyang inumpisahan.

vuukle comment

KATHANG ISIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with