^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Pangako ni Xi

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Pangako ni Xi

ISA sa mga binitiwang pangako nang bumisitang Chinese leader na si Xi Jinping ay ang pakikipagtulungan ng kanyang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa conclusion ng code of conduct para sa mga umaangkin sa South China Sea. Sinabi ito ni Xi nang makipag-meeting kay President Duterte sa Malacañang. Dumating si Xi dakong alas-onse ng umaga noong Martes at nagtungo muna sa Luneta at nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal bago tumuloy sa Malacañang. Tinanggap siya ni President Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang pangakong ito ni Xi ay maaaring magbigay ng kaluwagan sa nangyayaring sigalot sa West Philippine Sea kung saan maraming isla ang inuukopa ng China at naglagay pa ng istruktura. Bagamat hindi tuwirang binanggit­ ang ukol sa ginagawa nilang paghahari-harian sa mga islang sakop ng Pilipinas, may posibilidad na maghihinay-hinay sila ukol dito. Ang mga isla sa WPS ay dineklarang pag-aari ng Pilipinas ng international court.

Isa rin sa mga pangako ng Chinese leader ay ang pagkakaroon nang mapayapang konsultasyon sa mga isyu ukol sa South China Sea. Naniniwala raw siya na ang Pilipinas at China ay may common interest sa SCS pero madadaan ito sa magandang usapan at mahusay na konsultasyon.

Ang pagdalaw ni Xi ay nagbunga rin sa pagtutulungan ng Pilipinas at China para sa deve­lopment ng energy sources sa South China Sea. Sa ilalim ng kasunduan, magtutulungan ang dala­wang bansa sa oil sea exploration sa SCS. Bagama’t hindi tinukoy ang lugar ng exploration, magandang pagkakataon ito para ang da­lawang bansa ay magkasamang maghahanap ng langis at iba pang mineral sa dagat. Malaki ang makikinabang sa proyektong ito.

Sana, ang lahat nang pangako ni Xi ay magkaroon ng katuparan at maging susi sa pagkakamit ng kapayapaan sa pinag-aagawang teritoryo.

vuukle comment

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

XI JINPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with