^

PSN Opinyon

Droga, pinakamalaking problema ng gobyerno

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG hakbang ang ginawa ng administras­yong Duterte na nilagyan ng sundalo ang Bureau of Customs (BOC) upang subukang masawata ang mga illegal na gawain ng ibang kawani. Ang tanong ko, saan mapupunta ang mga masisipag at tapat na kawani ng BOC? Hindi naman natin puwedeng sabihin na ang lahat na nagtatrabaho sa Customs ay tiwali. Naniniwala ako na hindi lahat ay meron talagang mga bugok at madaling masilaw sa pera na nasa loob ng ahensiya.

Sa kabilang banda maganda rin ang sinasabi ng mga negosyante na gawin ng pribado ang BOC. Puwede namang subukan lahat ng magagandang paraan kung ito ay ikakabuti ng ahensiya. Kung ‘yan ang makakapagpahinto sa mga maling ginagawa ng ibang kawani at mahinto na ang tinatawag na “tara”, bakit hindi natin puwedeng subukan? Mula nang maupo sa puwesto si President Digong dalawang ulit nang nagpalit ng namumuno sa ahensiya subalit hindi kinaya ang trabahong iniatang sa kanila.

Tone-toneladang droga ang naipuslit sa BOC na hanggang ngayon ay palaisipan sa ating lahat kung paano ito naipasok sa bansa. Natural gumana riyan ang pera. Ngayon nagtuturuan ang mga tiwaling opis­yal. Para sa akin may basbas ng nasa itaas dahil hindi naman puwedeng magdesisyon mag-isa ang isang opis­yal na may mababang ranggo. Ngayon di na puwedeng bawiin ang drogang pinakawalan dahil kasalukuyan na itong ibinebenta ng mga drug pusher. Kaya marami na namang napapatay na sibilyan ang mga pulis dahil sagana sila ngayon sa stock na droga.

Kaya si President Digong aminadong hindi kayang resolbahin ang problema sa droga. Walang makapagsasabi kung mahihinto pa ba ang droga sa bansa. Ang magagawa na lang natin bilang mga magulang ay bantayan ang ating mga anak. Itanim sa kanilang isipan na ang droga ay walang magandang kahihinatnan.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with