^

PSN Opinyon

Sinibak na LTO Tarlac chief, ako ang idemanda mo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko maintindihan kung nagpapapansin sa akin dahil gusto na naman mag-trending ng sinibak na LTO Tarlac chief na si Estela Nicolas.

Matatandaan nitong Setyembre 2018 lamang, hulog sa BITAG ang pangongotong ni Nicolas matapos lumapit ang mga nagmamay-ari ng klinika malapit sa LTO Paniqui, Tarlac. Sa videong naipalabas ng BITAG, kitang-kita ang pagkaangas ni Nicolas habang naniningil ng butaw. Dokumentado ang bawat kanto ng mukha nito habang nanggagalaiti sa galit kapag kulang ang SOP na nire-remit ng mga klinika.

O eto ang update, niresbakan ni Nicolas ang mga nagrereklamo. Sinampahan niya ng kasong violation of Republic Act 4200 o Anti Wire-Tapping Law ang mga nagmamay-ari ng klinika.

Narito ang panawagan ko sa sinibak na LTO Tarlac chief na si Estela Nicolas: Kung gusto mong magsampa ng kaso, ako ang idemanda mo! Kami ang nagtrabaho para madokumento ang pangongotong mo. Kaya dapat,  kasama kami sa demanda. U-L-O-L ka pala eh. U laugh out loud! O baka feel mo na naman bang mag-trending?

Uulitin ko sa’yo, apat na araw kang sinurveillance ng mga BITAG undercover na sadyang nanatili sa Paniqui, Tarlac. Sinubaybayan ang bawat kilos at galaw mo. Ikaw at wala ng iba ang siyang target ng aming undercover surveillance para mapatunayan ang sumbong na garapalang panghihingi mo ng butaw.

Sa apat na araw na ‘yun, fully documented ang kultura ng korapsyon na pinaiiral mo. Araw-araw ang pasok ng pera sa’yong bulsa. Galit ka pa kapag kulang ang nabibigay sa’yo. Hulog ka sa BITAG, hindi nagsisinungaling ang aming mga camera. Kahit ulit-ulitin mo pang iplayback, mauumay ka sa inasal mo sa mga biktima.

Positibo ang iyong mga ilegal na aktibidades. Pati si DOTr Assistant Secretary Mark De Leon napailing sa kabu­lastugan mo. Gusto mo sigurong magbaling ng galit at pagkabwisit kaya ‘yung maliliit na taga-clinic ang kinakaya-kaya mo. Tell you what. Next time sama mo ako. Sa tagal ng panahon, ginawa mong gatasan ‘yung mga taga-clinic. Nagpakasasa ka sa perang di mo pinagpaguran… and you have the audacity and intestinal fortitude to sue them?

I challenge you to file a case against me. Hambalusin kita pati ‘yang abogado mo.

vuukle comment

ESTELA NICOLAS

LTO TARLAC CHIEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with