^

PSN Opinyon

UN arbitral ruling inutil—Malacañang

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NARITO na para sa kanyang dalawang araw na state visit si Chinese President Xi Jinping.

Wala sa agenda ng pakikipag-usap niya kay Presidente Duterte ang isyu tungkol sa West Philippine Sea o South China Sea bagama’t sa pananaw ng marami, pati na sa ibang mga bansa, may karapatan tayo sa bahagi ng karagatang inookupahan ng China. Ang batayan diyan­ ay ang ruling ng United Nations Arbitral Tribunal na pumapanig sa Pilipinas sa karapatan nito sa pinagtatalunang karagatan.

Kalalabas lang ng resulta ng survey ng Social Weather­ Station na nagsasabing maraming Pilipino ang disma­yado sa kawalang-aksyon ng gobyerno upang ipaglaban ang soberenya ng Pilipinas. Ngunit kinuwestyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang “timing” ng pagpapalabas ng survey na itinaon pa sa pagdalaw ng Pangulo ng China.

Binigyang-diin pa ni Panelo  na ‘walang silbi’ ang de­sisyon ng United Nations Arbitral tribunal noong July 2016 dahil wala namang magpapatupad nito. Hindi ko nakikita ang lohika ng pahayag na ito. Tayo lang, bilang nagma­mahal sa ating bansa ang dapat magpatupad dito, ngunit iyan ay magdudulot ng tension at posibleng digmaan sa rehiyon. Gusto ng administrasyon na sa kabila ng hidwaang ito ay mapagyaman ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Nasabi ko na noon na Kung ano mang policy ang ipa­tupad ng administrasyon, wala tayong magagawa dahil si Duterte ang ating Pangulo. I always give the reigning admi­nistration the benefit of the doubt. Pero kung mamamayan na ang pagaaklas kaugnay nito, wala ring magagawa.

Ang pagdating kahapon ng Pangulo ng China ay sina­lubong ng kilos-protesta ng mga grupong nagagalit sa naturang bansa dahil sa pag-alipusta nito sa soberenya ng Pilipinas. Harinawang huwag mauwi ito sa mas ser­yosong sitwasyon.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with