^

PSN Opinyon

Heinous crime sa gov’t officials

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa panukala ni Presidential Anti-Corruption Commission Prez Greco Belgica, na isama ang ‘corruption’ sa nakakarimarim na krimen na may parusang kamatayan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga opisyal ng gobierno ay dapat parusahan ng capital punishments kung sila ay sangkot sa corruption.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami pa ring taga - gobierno ang sangkot sa kurapsyon malalakas at makakapal ang mukha nilang mangikil kaya dapat talaga na mapabilang sila sa henious crime.

‘Hindi kasi birong salapi ang kinukurap ng ilang opisyal ng gobierno kaya dapat lang na mas mabigat ang parusa sa kanila kapag nahuli.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

“Tama lang ang gustong mangyari ni Greco ang problema lang walang “death penalty’ sa Philippines my Philippines.”

“Yon lang!

* * *

Tatlong Georgians ang hindi nakalusot sa Bureau of Immigration officers sa NAIA Terminal 1, dahil sa pekeng Canadian visas.

Ibinida ni BI Port Operations Chief Grifton Medina, sa mga kuwago, na hinuli nila ang tatlong Georgians matapos itong dumating sa airport sakay ng Etihad flight from Abu Dhabi.

Sa kuento ni Medina, ang mga illegal aliens ay gina­gamit ang Manila bilang transit point nila papuntang Canada.

Nagkunwari pa ang tatlong itlog na mga humanitarian workers  at nasa business vacation. Balak nilang manatli ng 2 days sa atin at lilipad patungong Qatar at Azerbaijan, bago pumuslit sa Canada.

Ang mga ito ay may valid Philippine entry visas pero nabuko sa ginawang secondary inspection, dahil ang Canadian visas na nakadikit sa kanilang mga passports ay peke.

Binitbit ang tatlong Georgians sa BI detention center, Taguig City at kakasuhan ng paglabag sa Philippine Immigration Act.

Sila ay inilagay na sa talaan ng blacklisted aliens.

Ikinatuwa ni BI Commissioner Jaime Morente dahil hindi pakaang-kaang ang mga tauhan niya sa NAIA.

‘Congrats Grifton!’

vuukle comment

GRECO BELGICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with