^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala nang excise tax sa gasolina’t diesel

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Wala nang excise tax sa gasolina�t diesel

MABUTI naman at nakinig si President Duterte sa panawagan na alisin muna ang ikalawang installment ng excise tax sa gasolina at diesel na ipatutupad sana sa Enero 1, 2019. Magiging P9 bawat litro ng gasolina at P4.50 sa diesel ang dapat ipapataw sa pagpasok ng 2019. Pero mina­buti ng pamahalaan na suspendihin ang excise tax para malabanan ang tumataas na inflation rate na umabot sa 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre. Iyon ang pinakamataas sa loob ng siyam na taon. Dahil sa pagmahal ng mga bilihin, wala na halos mabili ang karampot na suweldo ng mga mahihirap. Tumaas ang presyo ng bigas, sardinas, mantika, gatas, asukal at iba pang pa­ngunahing pangangailangan. Nagtaas din ng singil ang tubig at kuryente. Noong nakaraang linggo, nagtaas ng pasahe sa dyipni. Sampung piso na ang minimum.

Ayon sa Department of Finance (DOF) rereb­yuhin ang excise tax quarterly at kapag tuluyang bumaba ang presyo ng crude oil sa buong mundo, maaari nang ibalik ang excise tax sa gasolina, diesel at kerosene. Ayon sa Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN) Law, kapag umabot sa $80 bawat bariles ng krudo, sususpendihin ang pagpapataw ng excise tax. Sa kasalukuyan, patuloy na bumababa ang krudo sa world market kaya linggu-linggo ay may price rollback. At kung patuloy pang bababa ang presyo, maaari nang ituloy ang excise tax. Ayon sa DOF ang pagsuspende sa excise tax ay magreresulta sa pagkalugi ng gobyerno nang humigit kumulang P41 billion. Sa excise tax kinukuha ng gobyerno ang pondo para sa “Build, Build, Build” program.

Mas maganda kung pag-aralan munang mabuti ng pamahalaan ang pagbawi sa pagpapataw ng excise tax. Huwag munang magmadali sapagkat maaring tumaas muli ang presyo ng crude oil. Ngayong taglamig maaaring tumaas ang demand ng fuel at tiyak na tataas ang presyo ng langis sa world market. Pabagu-bago ang presyo ng langis kaya dapat magmatyag muna kung dapat nang ituloy o hindi ang sinuspendeng excise tax. Mas maganda kung tuluy-tuloy na ang suspension nito para bumaba rin ang presyo ng bilihin.

vuukle comment

EXCISE TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with