^

PSN Opinyon

Pambabastardo sa Pinas ng Canada at Korea

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko maarok ang kabastusan at kawalanghiyaan ng isang bansa para gawing basurahan ang isa pang kapwa bansa. Katulad ng ginawang pambabalahura ng Canada sa Pilipinas noon.

Maayos naman ang kanilang bansa’t maging kanilang polisiya. Pero naatim ng pamahalaan nito na salaulain ang Pilipinas sa loob nang limang taon.

Panahon pa ni Noynoy Aquino, pinadala ang naglalakihang container na puno ng basura na pinalabas na recyclable materials umano.

Ang bastos na dayuhang bansa at prime minister nito, walang ginawa sa problema dahil hanggang ngayon, nakatambak sa Pinas ang kanilang basura. ‘Yung poging pinuno ng Canada, puro lang naman satsat, bugok sa accomplishment and results.

Kayong mga overseas Filipino workers diyan sa Canada­, karamihan sa inyo ay Canadian citizen na, you may or may not agree with me on this and I don’t care.

Ang nagdaang pamahalaan, ni hindi inungkat ang problema nang harapan, lider sa lider. Eto ang mukha ng harap-harapang kawalang-galang sa nasyong pinagsisilbihan!

‘Yung nagmamalaking ang mamamayan ang boss niya,  walang ginawa sa problemang basura ng Canada. Dinala na lang ang mga ito sa dumpsite sa Tarlac.

Eto na naman, pinairal ang kultura ng permissiveness, dismissiveness at high tolerance. Kumbaga kinunsinti pa ang Canadian government sa kanilang kabalbalan.

Ngayong taon na ito, sinabayan ng Korea ang ka­usu­han ng K-pop. Gumaya sa kabastusan at sumunod sa yapak ng Canada, ginawang dumpsite rin ang Pilipinas.

Sinong hindi mabubuwisit? Pasalubong ng mga putok sa buhong Koreano sa likod nito, 5,100 tonelada ng mga gamit na diaper at mga plastic. Ang siste, ganun-ganun na lang kung pagtapunan ng basura.

Sa panahon ngayon na iba na ang administrasyon, hindi palalampasin ni President Digong ito. Hindi pupuwede ang pakuya-kuyakoy lang sa opisina at natutulog sa pansitan.  Mas lalong di papayag ang Presidente na ang Pilipinas ay patuloy na binabastardo.

Kung ako ang masusunod, ingungudngod ko sa basura ang pagmumukha ng nagpasok ng basura sa bansa. Ang tanong, ba’t nakakapasok ang mga ‘to?

Aba, hindi pupuwedeng di alam ng Customs at ng Canada’t Korea ang laman ng kanilang mga kargamento bago dumating sa point of destination.

May kasapakat ang mga kumag sa Bureau of Customs kaya naipupuslit ang mga basura. Sa tamang halaga, walang problema kahit iba ang idineklarang laman ng mga container!

Kaya ako talaga, pabor to militarize customs nang malinis ang virus sa loob. Matitigil na rin ang ganitong kasalaulaan, kabalahuraan, kababuyan!

vuukle comment

CANADA

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with