^

PSN Opinyon

Imelda, guilty sa kasong graft

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

DEKADA na ang lumipas sa ginawang pagnanakaw ni Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos sa pera ng bayan. Sa wakas abot kamay na natin ang tagumpay. Sinasabi ko na nga ba’t mas nananaig pa rin ang katotohanan kesa sa kasinungalingan. Kilala natin si Imelda sa rami ng kanyang magagarbong damit, alahas at sapatos. Hindi biro ang presyo ng mga nagkikinang na diyamante na nakapalamuti sa kanyang katawan. Ako mismo, nakita ko nung araw kung paano kagarbong mag-shopping sa New York si Imelda. Hindi magkandaugaga ang kanyang mga alalay sa pagbibitbit ng kanyang mga pinamili. Masasabi kong buhay reyna nga.

Para sa akin “to see is to believe”. Kapag nakita na ng dalawang mata ko na binitbit si Imelda papunta sa kanyang selda dun pa lang ako maniniwalang makukulong nga. Sigurado ako mainit na palitan muna ng kuru-kuro ng mga abogado bago maipakulong si Imelda. Ngayon pa nga lamang ay marami nang naglalabasang ispekulas­yon tulad ng hindi na niya kakayanin ang buhay sa loob ng kulungan dahil siya ay matanda na. Ngayon lumalabas na rin ang kanyang sakit samantalang malakas pa sa kala­baw kung mangampanya. Hindi na mahalaga kung ma­kulong man o hindi dahil nga naman sa edad na 89 ay  matanda na. Ang importante lang naman ngayon ay napa­tunayang siya ay nangulimbat ng pera ng bayan.

Maganda ang ginawang slogan ng may-ari ng The Philippine STAR na si Betty Go Belmonte na “Truth shall Prevail”. Yan ang nangyari ngayon kay Imelda Marcos. Kahit matagal na panahon ang lumipas ay umaangat pa rin ang katotohanan. Ang hustisya ay malapit nang makamit ng taumbayan lalo na yung mga naging biktima ng martial law sa ilalim ng pamumuno ng asawang diktador na si Ferdinand E. Marcos.

Di man agad maibalik ang perang kinulimbat at least justice has finally caught up with the Marcos Family.

vuukle comment

IMELDA R. MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with