^

PSN Opinyon

Filipino at Panitikan subjects, goodbye

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

UMAATIKABONG ngangalan ang nangyari sa ilang maestra ng malaman nila ang decision making ng Supreme Court na nag-aalis sa Filipino at Panitikan bilang core subject sa college.

Sabi ng ilang reklamador, alaws nangyaring pampublikong pagdinig at dehins din daw kinonsulta ng korte ang mga expert group sa wikang Fili­pino.

Naku ha! 

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aapela ang mga grupong dismayado sa decision making.

Dapat lang!

Very important na mapanatili ang dalawang binaklas na subjects sa college.

Maraming importanteng bagay tulad ng mga isyu sa lipunan, re­search sa sariling wika, sa college.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipina­tigil ng Korte Suprema last 2015 ng CHEd Memorandum Order No. 20, na nagta­tanggal sa Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Tinanggal nila ang temporary restraining order nitong nakaraang linggo matapos ideklara ng korte na konsti­tu­s-yonal ang “K to 12 program.

Hindi biro ang mawalan ng trabaho, aabot sa 10,000 guro ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang mawawalan ng trabaho sa desisyon ng korte.

Magpa-file ng motion for reconsideration ang mga ito.

Abangan.

Boga sa bidding ng PNP, kalkalin

MUKHANG may problema sa bidding process sa Crame regarding sa mga boga.

Matapos magsumite ng mga documents ang mga bidders may lumusot pa diumano na ‘documentary re­quirements’ o ‘additional requirements’ sa bidding process? 

Naku ha! 

Totoo kaya ito?

Sinasabing isang bidder lang ang nakaalam ng pasingit?

Naku ha!

Impossible dream ito? 

Nagtaasan ng kilay ang ilang observers porke delikado ang gimik na gagawin porke pinangangambahang baka mga sub-standard ang mga bogang mapupunta sa gobierno na gagamitin ng mga kapulisan?

Dapat itong mabusisi.

Abangan.

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with