^

PSN Opinyon

1.6 toneladang shabu nasa magnetic lifters

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HUMIGIT-kumulang 1,600 kilos ng shabu, hindi lang 700 kilos na unang tantsa, ang pinuslit sa loob ng magnetic lifters na natiklo sa Cavite. Sa pagbaha ng droga, bumagsak ang presyo sa kalye. Pero mas malalaking bulto ang nahuhuli mula sa raids at buy-busts ng pulisya.

Katumbas ng 1,600,000 sachet na tig-isang gramo, ang gan’ung bulto ng shabu ay luluto sa utak ng 1.6 mil­yong adik. Nauubos ng junkie ang isang sachet sa loob ng tatlo hanggang pitong sesyon ng singhotan, o “batak” sa salita nila.

Nabago ang kalkulasyon matapos timbangin ang bakal na lifters kumpara sa import documents, ani Philippine Drug Enforcement Agency director general Aaron Aquino. “Ni-reenact namin, tinimbang namin ang truck, cargo container, at apat na lifters, para maberipika ang gross at net weights na nakasaad sa bill of lading. Kulang nang 1.6 tonelada, o 1,600 kilos. ‘Yan ang dami ng shabu na nakalusot dahil itinago sa loob ng lifters.”

 Isinalya agad ang droga sa merkado, ani Aquino. Dahil sa baha ng droga, bumagsak ang bentahan sa P1,600-P2,000 kada gramo, mula sa dating P6,000-P8,000 se Metro Manila at paligid na probinsiya. Pero batay sa ara­wang news, ang nahuhuli ng pulis mula sa street pushers ay naging kalahati hanggang tatlong kilong shabu, mula sa dating pailan-ilang sachet lang. “Dati tuma-tumbling na kami sa tuwa kapag nakahuli ng sampung gramo,” ani Aquino, “Ngayon kilu-kilo na ang nahuhuli.”

Nu’ng Agosto 7 nadiskubre ang 355 kilos ng shabu, halagang P3.4 bilyon, sa loob ng dalawang magnetic lifters sa Manila International Container Port. Nang mapanood ‘yon sa TV news ng isang bodegero sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite, itinawag niya agad sa PDEA na may dinala sa kanila na apat na kaparehong lifters, pero sinamsam na ng umuupang Chinese ang laman nito. Naberipika ng sniffer dogs at Customs x-rays na meron ngang kontrabando sa loob ng apat na lifters.

vuukle comment

MAGNETIC LIFTERS

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with