^

PSN Opinyon

Big time rollback uli

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PIHONG marami sa ating mga motorista, kasama na ako, ang magagalak sa balitang aabot sa P2:50 kada litro ang mababawas sa presyo ng petrolyo sa pagpasok ng linggong ito. Malaki raw kasi ang ibinagsak ng halaga ng krudo sa pandaigdig na pamilihan.

Sana naman, magtuluy-tuloy ang pagbaba sa halaga ng krudo para magkaroon tayo ng masayang Pasko at masaganang pagsalubong sa papasok na taon. At sana rin, magkaroon ng repleksyon ang pagbabang ito sa presyo ng ibang pangunahing paninda.

Ayon sa mga eksperto sa petroleum industry, matapos ang isang linggong trading, malaki na ang ibinaba ng halaga ng krudo kaya  posibleng matapyasan ng P2.40- P2.50 sa kada litro ng gasolina, P2.10 sa kada litro ng diesel at P1.70-P1.80 naman sa kada litro ng kerosene.

Talagang nakaiinis ang walang patumanggang pagsirit sa presyo ng krudo ngunit wala tayong magagawa kundi magalit sa gobyerno at mga nasa industriya kahit na hindi nila kontrolado ang situwasyon. At kahit pa alisin ang tinatawag na excise tax sa langis, na isa rin sa ating ipinananawagan, malamang na wala rin itong epekto kung tuluy-tuloy ang pagtaas sa halaga ng krudo sa world market.

 Ito na ang ika-limang linggo na magpapatupad ng rolbak ang mga kumpanya ng langis makaraan ang halos linggu-linggong pagtaas sa presyo nagresulta ng mataas na inflation sa bansa.

 Nagpahayag na ng pagiging handang mag-rolbak ang kumpanyang Unioil ngayong papasok na linggo. Sa kani-lang datos, mula Oktubre 15, nasa P3.10 kada litro na ang ibinaba ng kanilang diesel at P5.55 kada litro sa gasolina.

 Sa datos naman ng Department of Energy (DOE), nag­lalaro ngayon ang presyo ng diesel mula P43.55-P48.79 kada litro at gasoline mula P48.75 hanggang P59.07 sa iba’t dako bansa.

vuukle comment

OIL PRICE

ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with