^

PSN Opinyon

Manyakis na sponsor ng Miss Earth

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

BUONG bansa ang mapapahiya kung hindi maaksyunan ang ipinuputak-putak sa social media ng ilang Miss Earth Candidates. Isa na namang kontrobersiya ang pinagdadaanan ngayon ng ating bansa. Hindi na nga tayo makaahon sa kumunoy na ating kinalalagyan, eto na naman at gumana ang pagkamanyakis umano ng isang sponsor ng Miss Earth. Kaawa-awa naman tayo dahil isang tao lamang ang nagkasala pero buong bansa ang napahiya.

Para sa akin may pagkukulang ang mga namumuno sa Miss Earth. Bakit pinabayaan nilang dumanas ng sexual harassment ang mga kandidata? Dapat punto por punto alam nila ang bawat galaw ng mga ito. Kung pinansin man lang sana ng team managers ang reklamo ni Miss Earth Canada hindi sana yan mag-iingay sa social media. Dahil ba malakas ang kapit n’yo sa sponsors kaya balewala lang sa inyo ang hinaing ng ilang kandidata? Ayun, buong mundo nalaman na hindi maganda ang naging karanasan nila sa Miss Earth pageant. Sinong nakakahiya ngayon?

Marami namang magagandang binibini sa ating bansa, sa katunayan nga ay hindi tayo nagpapatalo kung ganda lamang ang paglalabanan, kung bakit itong gagong sponsor na si Amado S. Cruz ay gustong tularan si US President Donald Trump. Naalala ko si Trump na pumasok sa womens locker room ng mga kandidata at gustong hipuan ang mga ito.

Huwag naman sana tayong maging bastos kapag tayo’y may bisita, bagkus alagaan sila. Ipakilala natin na tayong mga Pilipino ay may magandang asal para naman kung sakaling bumalik sila sa kani-kanilang mga bansa ay maibahagi nila sa kanilang mga kalahi ang magandang karanasan habang sila ay narito sa ating bansa. Makakatulong sana sa ating turismo.

Sa isang iglap lagapak na naman ang turismo sa ating bansa dahil sa kagagawan ng ilang manyakis na kababayan.

vuukle comment

MISS EARTH CANDIDATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with