^

PSN Opinyon

Maling pag-unawa

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

277 vs. 2843. Ito ang opisyal na istatistika ng Kagawaran ng Kalusugan sa mga insidente ng measles o tigdas ngayong 2018 hambing sa parehong panahon noong nakaraang 2017. Nakabibigla ang pigura dahil pumapatak na 926% ang itinaas ngayong taon. Anong nangyari?

Kung tutuusin, hindi lamang sa Pilipinas may nagaganap na ganitong pagputok ng bilang ng biktima ng tigdas. Maging sa mga higit na mayayamang bansa, mayroon din silang sitwasyon na maituturing nilang measles outbreak.

Ang itinuturong sanhi ay ang kakulangan ng pag-unawa ng bagong henerasyon sa mga konsiderasyon ng pampublikong kalusugan. Marami sa ating mga millennial set ang never nakaranas ng measles. Para sa kanila ay parang kuwentong kutsero lang ito na dinaanan ng kanilang mga ninuno noong panahong atrasado pa ang progreso ng medisina. Kung kaya hindi masyadong siniseryoso ang pagpapabakuna na sana’y magsasalba sa kanila.

Hindi rin masisisi ang iba dahil mayroon ding mga kontrobersyang nakakabit sa mga bakunang iniinik­syon. Gaya ng sa tigdas sa Amerika. Nagkaroon din sila roon ng takot na ang ibinibigay na bakuna ay delikado sa kalusugan.

Ang isa pang dahilan ay ang pagtaas ng bilang ng sektor ng lipunan na mahina na talaga ang mga immunities. Mga taong nabubuhay na may HIV, o iba pang immuno-compromised na sakit. Kapag sila ang nabakunahan, hindi masusukat kung papaano ang reaksiyon. Baka ikamatay pa ng mga pobre.

Sa atin sa Pilipinas, hindi tuloy maiwasang maisip ang naging epekto ng Dengvaxia sa madlang biglang natakot sa anumang uri ng bakuna. Hindi lang sa dengue – kasama na rin ang para sa tigdas. Measles, Mumps, Rubella. May pruweba pa naman mula sa mga research na talagang tataas ang insidente ng pagkakasakit sa mga mamamayang hindi tumanggap ng vaccine.

Sana ay malunasan na ng mga pamahalaan sa buong mundo ang ganitong trahedya kung saan ang maiiwasan namang sakit ay patuloy ang pagsalakay dahil lamang sa hindi wastong pag-unawa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with