^

PSN Opinyon

President Digong, style probinsiyano

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP nang tanggalin kay Pres. Digong Duterte ang kanyang pagiging joker. Karamihan sa kanyang mga ibinabatong biro ay parang sa isang kanto boy lamang. Kung hindi ka pa sanay sa kanyang mga biro ay mapipikon ka talaga. Ang mga pari nga na maya’t maya ay binabanatan niya ay nauubos na ang pasensya at hindi na nila maitatago pa ang kanilang pagkapikon sa Presidente.

Ang pinaka-bago ay ang pagpuna niya sa All Saints Day at All Souls Day. Kanya-kanyang paniniwala ‘yan. Tulad niya na iba ang sinasamba niyang Diyos at iba rin ang sa atin. Sana bilang pinaka-mataas na pinuno ng bansa ay tantanan na ang pagbatikos sa ating Panginoon, simbahan at mga pari.

Para sa akin, hindi pa rin naaalis kay President Digong ang kanyang pagkaprobinsiyano. Una kong napansin ang kanyang pananamit. Kapag ang suot niya sa mala­laking pagpupulong ay Barong Tagalog, nakalislis parati ang manggas nito. Samantalang ang foreign dignitaries at miyembro ng kanyang Gabinete ay napakadisenteng tingnan samantalang siya ay nagmumukhang probinsiyano.

Kunsabagay dun naman siya nagmula di ba? Pero ganun pa man, sana’y tinalikuran pansamantala ang pro­binsiyanong style dahil buong bansa na ang kanyang pinangangasiwaan. Disenteng tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang kanyang malimit makasalamuha.

Hindi matatawaran ang kanyang pagiging honest at trustworthy na pinuno ng bansa. Hindi ko sinasalungat ang kanyang ginagawa bagkus ay pabor ako sa kampanya niya kontra droga. Bukod tangi na siya lang ang Presidenteng dumadalaw sa mga namatay na kawal.

Pero ang problema sa kanya ay ang pagiging prangka­. Sana matuto siyang basahin ang prepared speech na hinanda ng kanyang mga speech writer para naman mapa­kinabangan niya ang mga ito at hindi masayang ang mga pinasusuweldo.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with