^

PSN Opinyon

Malungkot ang mga obrero

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MATAMLAY na parang lantang gulay ang mga obrero sa Metro Manila. Kasi, humihirit sila ng dagdag sa ara­wang sahod na P334, ngunit ang naipagkaloob lamang ay P25 pesos.

Kaya ang sigaw ng mga manggagawa, ito ay insulto sa harap ng kanilang matinding pagdurusa sa panahong nagsisipagtaasan ang presyo ng bilihin at serbisyo.

Ngunit ang nagdesisyon ng naturang dagdag na sahod­ ay ang Regional Tripartite Wages and Productivity­ Board. Kasama sa lupon na iyan ay ang sector ng paggawa, employer at pamahalaan. Kaya nga “tripartite.”

Pero sa kabila ng kakatiting na umentong ito, muk­hang mabigat ang loob ng mga employers. Narinig ko ang isang panayam sa radyo kay Donald Dee na siyang pinuno ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP). Aniya, tutol ang kalooban niya sa umento pero komo batas, ipatutupad ito.

Para kay Dee, ang gobyerno ang dapat magpaluwal sa P25 na umento at hindi mga employer. Nakakalungkot dahil wala talagang meeting of the minds.

Ano nga ba naman ang mahihita sa P25 kada araw na dagdag sa daily wage? Kulang pa ito para tustusan ang itinaas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Totoong ipinuwera na sa pagbabayad ng buwis ang mga empleyadong kumikita ng mababa sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law (Train). Ang kaso, umalagwa naman ang halaga ng mga paninda at ser­bisyo gaya ng transportasyon. Apektado pa rin nang malubha ang kanilang take-home pay.

Talagang sa TRAIN Law, ang mga pinaka-pobre sa lipunan at ang mga middle class ang pinakamatindi ang tama. Ang mga mayayaman kahit pa umabot ng isandaang piso o higit kada litro ang presyo ng petrolyo, hindi aangal ang mga iyan. Pasensya na at iba ang prayoridad ng gobyerno.

vuukle comment

EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with