^

PSN Opinyon

Katiting, dagdag sahod sa manggagawa

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG mainit ang madlang manggagawa sa kakarampot na dagdag sahod na hiningin nila.

Sabi nga, P25.00!

Kumakalat ang tsismis sa ilang barberya na mukhang pag­iinitan ng mga ito ang mga re-electionist na mga politiko porke mistulang bulag, pipi at bingi sila sa isyu ng taas sahod.

Bakit kaya?

Mukhang sa May 2019 election magbababa ng hatol ang mga botanteng manggagawa, mga pamilya nila, kaibigan, kamag-anak at manghihikayat pa ng ibang madlang botante na ilaglag ang mga nanahimik sa isyu ng dagdag sahod para sa kanila?

Naku ha!

Lagot!

Sabi nga, lintek lang ang walang ganti. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang P25.00 na dagdag sahod ay hindi pa anila sapat na pambayad sa two way ride sa MRT?

Ika nga, kulang!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi mararamdaman ng madlang manggagawa ang dagdag sahod na P25.00 na ibinigay sa kanila?

Naku, paano ito?

Sagot - dagdagan!

Abangan.

Digong kay Nograles, siya ang gusto ko!

PINASALAMATAN ni newly - appointed Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles si Boss Digong sa mga pagkakataong ibi­nigay sa kanya para maglingkod sa gabinete nito, at tumulong para itulak ang mga development agenda ng administrasyong Duterte.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Nograles, 42 years old, na nasampal este mali nanumpa pala last Monday, sa kanyang unang posisyon sa Executive, umaasa siya sa kanyang karanasan bilang Chairperson ng House Appropriations Committee, na nagbibigay sa kanya ng “holistic perspective” na kailangan sa kanyang bagong puesto.

Sinabi ni Nograles, bilang head ng mga Cabinet Secretariat, sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 67 ay tungkulin niyang tulungan si Boss Digong sa pagtatatag ng agenda topics para sa cabinet deliberation at mapadali ang talakayan ng mga cabinet meetings.

Ang bagong Cabinet Secretary ay isang abogado na nakuha ang kanyang Juris Doctor degree sa Ateneo School of Law. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science Degree in Management Engineering sa Ateneo De Manila. Nagtapos ng high school sa main campus ng Philippine Science High School sa Quezon City.

Si Nograles, ang may-akda ng tatlong landmark labor laws tulad ng Republic Act 10771 o ang Green Jobs Act, ‘hailed’ ng International Labor Organization bilang una sa uri nito sa mundo,  Republic Act 10869 o ang JobStart Pilipinas Act, na nagbibigay sa madlang Pinoy ng mas mahusay na pag-access at opportunities for employment at Republic Act 10741, na pinagtitibay ang mga operasyon ng National Labor Relations Commission. Ito rin ang may-akda ng Free Higher Education Law at ang Free Irrigation Law.

vuukle comment

MINIMUM WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with