^

PSN Opinyon

Ilan pang shabu lifters nakalusot sa Customs?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ILAN pang magnetic lifters na may nakatagong shabu ang naipuslit sa mga pier? Dapat alamin ng Customs, ngayong umamin ang intelligence agent sa pag-smuggle ng droga sa pamamagitan ng bakal na makina. Sa pagrepaso ng records, dapat alamin ang petsa, pinanggalingan, destinasyon, consignee, broker, at bodegang pinagdalhan.

Kasapi sa dalawang shipments si Agent Jimmy Guban. Kasapakat daw niya sina sinibak na police colonel Eduardo Acierto at dating Philippine Drug Enforcement Agency deputy Ismael Fajardo. Sa unang shipment, Hulyo 14, pinalusot ang apat na magnetic lifters sa x-ray ins­pection sa Manila International Container Port. Ito’y bagamat halatang may kontrabando na nakasilid sa loob. Sangkot ang dalawang x-ray operators, ani Sen. Dick Gordon. Sa utos ni Acierto, humanap ng pekeng consignee si Guban sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite.

Sa ikalawang shipment, Agosto 7, 355 kilos ng shabu ang lulan ng dalawa pang lifters. Nabulilyaso ang pagpapalit ng pekeng consignee at bodega. Kaya nagkunwari na lang sina Guban, Acierto, at Fajardo na “natunton” ang droga, para magmukha silang bida. Tinuro raw ni Acierto kung saan lalagariin ang bakal na lifters para mailantad ang droga.

Saka pa lang nalaman ni PDEA chief Aaron Aquino, sa tip ng bodegerong napanood sa TV news ng “natunton­” sa MICP, na may apat pang lifters. Pero wala nang laman ang apat. Nilagari rin ng pitong Chinese na umuupa ng bodega ang bakal para makuha ang kontrabando. Nalanghap pa rin ng sniffer dogs ang droga. Batay sa timbang ng lifters, cargo container, at dekla­rasyon ng gross at net weight ng shipment, 1,600 kilos ang laman na shabu.

Kaya naman pala, sa biglang dagsa ng droga, bumagsak ang presyo sa kalye sa P1,400 per gram mula P6,800. At kaya pala biglang kilo-kilo, imbes na ilang sachet lang, ang nasasabat ng pulis sa street pushers. Naglipana ang shabu. At maaring marami pa nito.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

MAGNETIC LIFTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with