^

PSN Opinyon

Dumarami

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

KAHIT paano ay dumarami na rin ang mga direct flights na nagco-connect sa Davao City direct sa ilang destinasyon gaya ng Singapore, Kuala Lumpur sa Malaysia, Hong Kong at maging sa Jinjang City sa China.

 

At tinatayang simulan na rin sa Enero 2019 ang resumption ng direct flights between Davao City at Manado sa North Sulawesi, Indonesia.

 

At may plano na ring magbukas ng direct flight sa pagitan ng Australia at Davao City.

At ang dami pang ibang plano na nasa pipeline na rin. 

Kaya nga nang binuksan noong isang linggo ang Chinese consulate rito sa Davao City sabay sa simula ng direct flights sa pagitan ng Davao at Hong Kong, nakikita na ang increase ng passenger traffic mula rito sa Mindanao patungong Hong Kong.

Ang makikinabang ng mga bagong direct flights ay hindi lamang ang mga taga-Davao City ngunit maging ang mga taga-ibang lalawigan din ng Mindanao na hindi na nila kailangang pumunta pa ng Maynila upang lumipad kung saan ang kanilang destinasyon.

Ngunit sa likod ng lahat ng mga developments na ito, sana naman ay magkaroon nga ng passenger traffic na makaka-sustain sa mga biyaheng ito.

Sabay sa galak na nadarama na binuksan ang Davao City sa mas maraming opportunities sa pamamagitan ng direct flights, sana naman magtagal ang mga ito at hindi panandalian lamang. 

vuukle comment

CONNECTING FLIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with