^

PSN Opinyon

Kung bakit siya nagparamdam

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

IKATLONG gabi na mula nang nailibing nila ang dalagitang anak ay napapanaginipan siya ng ina. Sa pana-ginip, umiiyak ang anak, at humihiyaw na tulungan siya makawala mula sa pinagkulungan na kahon. Pagod na pagod, gutom na gutom, at takot na takot umano siya. Hindi na raw niya matiis ang kanyang kalagayan.

Kinutuban nang masama ang ina. Kasama ang asawa, nakiusap siya sa munisipyo na payagan sila na hukayin ang ataul na pinaglibingan sa dalagita. Sinapian siya ng nakamamatay na sakit at hindi na gumising. Mabilis nila siyang ibinurol at ipinagdasal, at agad ihinatid sa huling hantungan. Apat na araw na ang nakalipas. Pero parang merong napakahalagang mensahe na nais iparating ang bata. At tiyak ng ina na nasa kabaong ang mensahe na ito.

Nag-alangan pero pumayag ang mga opisyales sa kakaibang hiling ng ina. Pinasamahan nila sa pulisya ang mag-asawa sa sementeryo para sa espesyal na exhumation. Makalipas ang dalawang oras na paghuhukay, iniangat nila ang kabaong. Maingat nilang binunot ang mga pako sa paligid ng kahoy. Unti-unti nila ito binuksan.

Laking gulat ng mga tao sa nakita. Patay nga ang bata sa loob. Pero nakadilat ito at nakanganga ang bibig. Halatang takot ang ikinamatay niya -- ibang-iba ang hitsura kaysa nu’ng pumanaw siya sa tulog. At ang mga kuko niya ay tila naupod na kakakayod sa loob ng kabaong. Bahid ng tuyong dugo sa kanyang noo, mga daliri, siko, tuhod, at talampakan. Halatang nagpupumiglas siya.

 Hinimatay ang ina sa nakita. Nabatid ng mga tao ang nangyari. Nang hindi nagising ang bata, pinasya agad ng magulang na ikinamatay na nito ang malubhang sakit. Agad pinaghandaan ang libing. Palibhasa maralita, hindi na ipina-embalsamo ang «bangkay» at maiksi lang ang burol. Nagising ang bata sa loob ng ataul, at sinikap makalabas. Ilang araw siya humihingi ng saklolo, naghirap, hanggang sa tuluyan nang....

vuukle comment

DALAGITANG ANAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with